CHAPTER 29

4 1 0
                                    



"So, business courses. I see, and our school is well-known for its business credibility."

Sabi ni Eric na ngayon ay nasa bahay kasama namin.

Mas naging close pa namin si Eric dahil madalas siyang narito, kasama ang kakambal niya pero si Edric at Blare ang madalas mag-usap. Parehong tahimik kaya nagkakaintindihan.

"Yes, kaya roon kami pinasok ni Mommy."

Sa table kami nag-uusap, sina Ada, Blare at Edric nag-uusap naman doon sa sala.

"By the way, I have one question. If you don't mind, since when have you been here?" pag-iiba ko ng topic.

"Why are you asking?" Inismiran niya ako.

"Wala naman... curious lang gano'n, pero okay lang kung hindi ka komportable." Natawa lang siya.

"No. I'm kidding, since I and Edric turned 6 years old." Tumingin siya sa kambal niya.

"Ahh... Ang tagal na rin pala 'no? Pero you can speak Tagalog pa rin."

"Yes, because Mom doesn't want us to forget our first language, our native language, even though we lived here." Napatango ako, may point si Tita.

"Nice, tama naman si Tita."

"Kayo, ilang taon na kayo ni Mark."

Napatingin ako kay Mark.

"Wala pang taon. In fact 1st month namin last July 15." He looks shocked.

"Really? Akala ko matagal na kayo. I didn't expect that."

"Hindi madali ang first month namin. Ang daming nangyari, aware ka naman siguro sa conflict na kinakaharap ng mga kagaya namin same sex couple?" tinanguan niya ako. "The acceptance of our family, others, and society. It's hard, you know. We're still in the process of getting used to it."

"Hindi ba kayo legal?"

Umiling kaagad ako.

"Legal, ayos na kami sa family namin pareho. I mean, nahirapan lang kami noong una dahil maraming kinonsider."

"We're happy, and that's what matters most. He loves me, I love Jino." Ibinalot ni Mark ang kamay niya sa kamay ko sabay ngiti kay Eric.

"That's good to know, stay in love!"

"Thank you, Eric." Sabay namin sabi.

"You both are totally opposite." He laughed.

"Yes..." natawa rin sabi ko.

Mark is more quiet than me, nakakausap ko lang 'to ng mahaba kapag kaming dalawa lang.

"When?" he chuckled.

"Are you serious? You're not in a relationship right now? I thought you had."

"Yeah, I have, but we broke up a month ago because he cheated on me."

He? Hmm... I guess he is more comfortable with us, uh!

I appreciate that.

"He? So, a guy." May pag-iingat na sabi ko.

"Yes, I'm bisexual."

"Nice! Mates." Kinamayan namin siya ni Mark.

"Honestly..." napakagat siya sa ibabang labi niya, iniiwasan niya atang ngumiti. "I'm... oh my god! I feel a bit shy to say this."

"What?" natawang sabi ko.

Mukha siya talagang nahiya.

Napabuntong-hininga siya at dama ko sa buntong-hininga niya na iyon ang kaba niya.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon