CHAPTER 2

29 2 1
                                        



Bad trip! 

Good morning talaga sa akin! 

Isang oras at kalahati na akong late...!

Hindi ko man lang narinig 'yon? Ang bobo ko naman?! Kanina pa ata siya nag'a-alarm.

Wala na akong sinayang na oras, niligpit ko kaagad ang hinigaan ko. Pagkatapos ay dumeretso na akong closet para kunin ang susuotin ko at agad din pumasok sa loob ng banyo para maligo.

Pagkatapos ko maligo, nagbihis agad ako. Mabilis lang iyon dahil, printed white t-shirt lang naman ang kinuha ko kanina, black jeans, belt, at sneakers.

After magbihis, bumaba na ako at sa dining dumeretso. Kumain lang ako sandali ng tinapay na may bacon na nakita ko sa lamesa.

"Yaya, may iniwan bang bilin si mommy bago umalis?" Tanong ko kay yaya.

Kailangan kong magmadali dahil unang araw pa lang may record na ako. 

Lasing pa nga! 

Nakalimutan ko na nga nangyari kagabi pagkatapos ng nangyari sa amin ni Jessica. Ang naalala ko lang kasama ko si Blare.

"Wala naman, sige na mag-ingat ka. Good luck!" Tinanguan ko si Yaya Pearl. Nasa garden siya nagdidilig.

"Sige po. Mauna na po ako, bye!"

"School po, Kuya Jerry." Sabi ko sa driver ng tricycle na sinakyan ko.

Habang nasa biyahe ako, nag-iisip na ako ng idadahilan. Natatakot ako baka masungit ang madatnan kong teacher. 

Wala akong maisip! Hindi ko naman p'wedeng sabihin na kaya ako na-late ay dahil lasing ako kagabi baka unang araw pa lang bad shot na ako sa prof ko.

Buti nga malapit lang sa bahay iyong school, tapat lang ng village. Five to eight minutes nasa school na ako, gano'n kalapit.

Sa taranta ko, tinext ko na si Ada kung ano ganap sa school, nasa school na 'yon. Palaging maaga 'yon, e.

To: Andrea

ada ano ganap dyan?

Naghintay pa ako nang ilang sandali, bago ko na-receive 'yong reply niya.

From: Andrea

Gago ka yare ka

Mas lalo ako kinabahan! Tangina talaga!

To: Andrea

Galit?

From: Andrea

Joke lang! Walang prof walang kahit ano basta sabihin ko sayo pagkarating mo.

Nakahinga ako nang sobrang luwag dahil sa sinabi niya.

To: Andrea

sige buti naman swerte ko naman hahaha

From: Andrea

Bilisan mo!

To: Andrea

Yeah, kita ko na gate see u

"Nandito na tayo, Jino."

Bumaba kaagad ako, ibinigay ko na kay Kuya Jerry ang buong isang daan ko dahil wala pa raw barya si kuya panukli, okay lang naman 'yon.

"Thank you, kuya. Ingat po kayo."

Pagkasabi ko no'n ay pumunta na ako sa pila papasok ng school, natawa pa ako dahil hindi lang pala ako iyong late, ang dami naming nakapila at lahat kami mga late.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon