"Ang ingay naman!"
Reklamo ko sa ingay na sumalubong sa akin pagkagising na pagkagising ko.
"Gabi na?"
Antok pang sabi ko pagkakita ko sa bintana.
Ang haba nang tinulog ko, ah.
Nag-inat ako at humikab bago tuluyang umupo sa kinahihigaan ko, pero nang tatayo na sana ako, natawa ako at napailing. Kaya pala maingay, nandito si Blare naglalaro sa computer ko.
"Ingay!" Hindi niya ako naririnig. Naka-head phone pa naman at sumisigaw pa dahil sa nilalaro niya.
"Potangina mo! Gago ka! Hoy! Bakit mo ako pinatay? Hayop ka, magkakampi tayo gago!"
Gago talaga 'to si Blare.
Tumayo na ako at lumapit sa kaniya pero dahil gago rin ako, may naisip akong kagaguhan.
"Blare!"
Umupo ako sa lap niya. Natawa ako sa reaksyon niya dahil gulat na gulat siya ngayon.
"Hi!" Pinulupot ko ang mga kamay ko sa leeg niya.
Tinanggal niya ang head phone sa tainga niya habang nakatitig sa akin. Natawa tuloy ako.
"Hi, pogi!" Hinalikan ko iyong tuktok ng ilong niya.
"Gising ka na pala." Niyakap niya ako.
"Ang tagal ko nakatulog." Sinuklayan ko ang buhok niya, gulo-gulo kasi, dahil siguro kakasabunot niya kapag naiinis siya kapag napapatay character niya.
"Sorry, ang ingay ko ba?"
"Oo, tangina mo!" pareho kami natawa. "Kanina ka pa nandito?" tanong ko sa kaniya.
Tinigil ko na ang pagsuklay sa buhok niya at pinulupot na lang ulit ang kamay ko sa leeg niya.
"Oo, naabutan kitang natutulog. Tumabi nga ako sa'yo kanina, e, pero nagising na ako lahat-lahat, tulog ka pa rin kaya ayan, naglaro na lang ako."
"Kaya pala may malambot akong kayakap kanina." Pinanggigilan ko ang pisngi niya, napanguso naman siya.
"Cute mo, Blare." I kissed his cheek.
Naramdaman ko ang paghigpit nang yakap niya sa akin kaya napatingin ulit ako sa kaniya sabay tawa.
"Miss mo naman ako agad."
"Kung alam mo lang."
"Ow? Miss mo ako?" tumango siya. "Parang 'di naman tayo nagkikita nag madalas."
"Basta," ngumiti siya.
Natahimik kami pareho at dahil doon hindi ko na namalayan ang oras na lumipas, nakatingin kami sa isa't-isa.
Na-appreciate ko lang kasi siya. Ang tagal na naming magkaibigan, grabe ang pagpapahalaga namin sa isa't-isa. Kapatid na nga turingan namin nito kaya wala akong ibang nararamdaman ngayon kun'di ay saya at pasasalamat.
"Mahal na mahal kita, Blare."
"Nambibigla ka naman,"
"Wala lang, may na-realize lang ako."
"Ano 'yun? Kwento mo naman."
"Oo naman." Niyakap ko siya. "Maraming salamat sa'yo. Ito palagi mong tatandaan, hinding-hindi kita ipagpapalit sa kung sino man. Mahal na mahal kita. Kapatid na turing ko sa'yo, at kagaya sa kung paano ko pahalagahan si Ate at Kuya, gano'n din kita pinapahalagahan, Blare."
Kinalas ko na ang pagkakayakap ko sa kaniya.
"Ano man ang mangyari, hindi ko hahayaang magkawatak tayo, ni Ada. Ano man ang mangyari tayong tatlo ay panghabambuhay." Nginitian ko siya.
BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
General FictionJino is his name. A guy that you can't resist. Good-looking, playful, and easy-going as fuck. He doesn't give a damn about his fine life, because the only thing that matters to him is having fun. Seriously... No, that's not in his vocabulary. What w...