"Biruin niyo 'yon, tatlong linggo na tayo rito. Nakailang hours na ba kayo?"
Tanong ni Miguel sa amin ni Josh habang kumakain kami ng lunch dito sa baba. Isang oras lang lunch break namin kaya hindi kami pwede magtagal dito. Tatlo kaming may kani-kaniyang lunch box; si Josh ang pagkain ay hotdog at kanin; si Miguel ay fried bangus at kanin, may sawsawan pa iyon na toyo na may calamansi at sili; ako naman ay tuna omelet at kanin.
"Kakabilang ko lang kagabi, nakaka-seventy hours na ako." Tugon ni Josh sa tanong ni Miguel.
"Ako naka-seventy-one hours na. Ikaw ba kuya, Jino?"
"Same lang tayo, Josh." Kumain ulit ako.
"Kailangan natin maka-three hundred hours para matapos natin 'tong field study. Dami pa." napakamot sa ulo niya si Josh, kami naman ay natawa lang.
"Nag'e-enjoy naman ako sa ginagawa ko kaya tingin ko matatapos ko ito nang hindi namamalayan. Ang saya kumausap sa iba't-ibang tao, minsan sinasama pa ako sa ibang site. Noong nakaraan nasa airport kami, sobrang saya roon!" Masayang kinukwento ni Miguel.
"Gusto ko rin nang gan'yan," napanguso si Josh. "Palagi kasi ako nasa opisina. Ang hirap mapunta sa costumer service, daming quires." Natawa siya. "Ikaw ba kuya? Kumusta ka po?"
"Maayos naman ako. Kaso hanggang ngayon sinasanay ko pa rin ang sarili ko sa gawain bilang secretary ni Ma- Sir Mark."
"Pinagmi-minutes ka ba ni Sir Mark, kuya?" tanong ni Josh.
"Oo, e. Mamaya nga tatapusin ko 'yung minutes ng last meeting nila kahapon."
"Gusto ko sana niyan, e."
"Kung pwede nga lang tayo magpalit, Josh."
"Okay lang, kuya. Ang mahalaga matapos natin tatlo ito nang sabay."
Nginitian ko silang dalawa. Natutuwa talaga ako sa courage nilang dalawa, noong kasing edad lang nila ako wala akong ganitong thinking dahil I was the kind of student who liked to go around without taking academics so seriously. I'm just proud of them.
Nilaan namin ang buong lunch time namin para magpahinga na rin, kapag nag-start na kasi kami ulit magtrabaho wala nang pahinga. Ako mamaya may tatapusing minutes habang sila ay may kani-kaniya na ring task na kailangan tapusin.
Marami na akong naranasan sa pagtatrabaho simula nang manirahan ako kasama sina nanay at Alon sa Samar kaya hindi na bago sa'kin ang magtrabaho nang walang pahinga, ang worry ko na lang ngayon ay silang dalawa dahil kahit hindi nila sabihin sa akin nakikita at naoobserbahan ko kung gaano sila nag'a-adjust pa rin sa environment ng corporation. Ano pa't ako ang kanilang kuya, hindi ko naman sila pababayaan.
"Kani-kaniyang out po ba ulit tayo, kuya?"
Paakyat na kami ni Miguel ngayon sa kani-kaniya naming opisina, si Josh ay nasa opisina na niya rito sa first floor. Naghihintay kami magbukas ang elevator.
"Hindi na. Sabay-sabay na ulit tayo mag-out, sumabay na kayo sa akin."
"Okay, kuya."
Sakto ay bumukas na ang elevator kaya pumasok na kaming dalawa. Pareho kami sa fifth floor naka-opisina kaya habang paakyat kami nagkwentuhan lang kami.
"Hi, Miguel."
Napatingin ako kay Miguel dahil doon. May pumasok kasing babae na rito lang din nagtatrabaho at binati si Miguel. Ngumiti naman ako dahil sa naobserbahan kong naging behavior niya matapos niyang bumati pabalik sa babae, tumahimik siya bigla at mukhang nahiya.
Nag-fake cough ako kaya tumingin si Miguel sa akin. "Hindi ka ganiyan kanina, ha." Natawa ako pero hindi ko pinahalata sa babae.
Hindi na nagawang makapagsalita ni Miguel dahil nagbukas na iyong pinto ng elevator sa floor na pupuntahan namin. Naghiwalay na rin kami ng landas, siya ay pakanan ako ay pakaliwa dahil nandoon ang opisina ni Mark.

BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
Ficción GeneralHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...