"Napakapogi naman niyang mahal ko."
Kinikilig pang sabi ko pagkalabas niya sa banyo susuot ang school uniform niya. It is a white long-sleeve polo, a black coat, and black slacks that are tucked into his polo. May belt siyang suot, siyempre ID at school black shoes. Same lang kami pero kulay blue ang coat ko dahil magkaiba kami ng department.
"Ang init nga, mahal, e."
Natawa siyang tumingin sa whole-length mirror dito sa kwarto namin. Inayos niya ang coat niya, sunod ang buhok niya.
"Air conditioned naman rooms niyo."
"Oo nga, kaso alam mo naman na sanay akong nakahubad. Hindi ako sanay na nakabalot." Sabi niya iyon habang inaayos ang kwelyo niya. "Ikaw ba? Handa na ba ang mahal ko?" tumingin siya sa akin.
"Handa naman na ako," nginitian ko siya. "As you should as well."
"Handa naman na ako. Natatawa nga ako e, kasi tawag ng mga kaklase ko sa akin Kuya Alon."
"Kuya," natawa ako. "Ang pogi naman ng kuya nila." Hinalikan ko ang pisngi niya.
"Tara na?" he asked me.
Tinanguan ko siya, kasabay noon ang pagkuha namin ng bag namin. Bago kami bumaba galing kwarto, pinuntahan namin si Pat sa kwarto niya at kagaya namin, handa na rin siya. Same lang sila ng uniform ni Alon, 'tas ang buhok niya ay nakapusod. She's beautiful and cool.
Pagkababa namin tatlo, sinalubong kami kaagad ni nanay. May mga kaunting bilin lang siya sa amin bago niya kami sinamahan sa labas, papasok sa van. Si Dad kasi ayaw kami payagan na magkalad na lang kaya kahit malapit lang ang school sa bahay, naka-van pa kami.
"Ingat kayo rito, 'nay." sabi ni Alon.
Nagmano kaming tatlo kay nanay.
"Mag-ingat ka rin kayo." Nginitian kami ni nanay. "Kaawan kayo ng langit at gabayan sa inyong unang araw ng pagsabak sa paaralan. Nawa'y pagkalooban niya kayo ng talino't kawang-gawa."
"Salamat po, 'nay!" sabi ni Pat.
"Sige na, umalis na kayo at baka ma-late pa kayo." Kinawayan kami ni nanay at siya na mismo ang nagsara nang pinto ng van.
Nasa biyahe na kami ng maka-receive ako ng message galing kay Ada na nagpangiti sa akin.
From: Ada
Good luck! Kaya niyo 'yan.
Nireplyan ko siya.
To: Ada
Salamat. Ikaw rin. Good luck sa panganganak mo.
From: Ada
Gago susunod kayo rito! Subukan mo lang i-ghost ako, literal na mumulthin kita.
Natawa ako. Siraulo talaga!
To: Ada
Oo na! HAHAHAHAHA
Hindi na siya na-reply, sakto naman na nag-text si Blare sa akin kaya siya na ngayon ang kausap ko. Same lang kay Ada, ginood luck niya kami at mayamaya ay nakipag-usap sa amin through video call. Kasama niya si Edric ngayon sa Samar.
"Nandito na po tayo."
Hinanda kaagad namin ang mga sarili namin para sa pagbaba dahil nandito na raw kami ayon kay Kuya Freud. Pagkababa namin, nagpaalam na kami kay kuya at nagsabay na pumasok sa loob ng school.
"Sige na, bago ako umuwi mamaya puntahan kita sa inyo."
I kissed him. Mauuna kasi akong uuwi sa kanila, may night class sila mamaya ako hanggang after lunch lang.

BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
Narrativa generaleHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...