"Salamat, Dom. See you again soon."
Nakauwi na silang lahat, siya na lang natira pagkatapos namin magkaroon ng simpleng celebration sa bahay. Pinaghandaan nila 'yon para sa akin.
"Thank you too... Welcome back!" Nandito kami sa labas ng bahay, hinatid ko siya. "I missed you, really, Jino. My best friend."
Hinawakan ko ang pisngi niya. "I missed you too, my best friend, my hubby." I hugged him.
"Alright! I'd better go. Take care. I'll just visit Dono here, maybe next time." Tumango akong kinalas ang sarili sa kaniya.
"Oo naman. See you next time." Kumaway na ako sa kaniya at ganoon din ang ginawa niya bago siya pumasok sa kotse ng sumundo sa kaniya. Nang mawala na sila sa paningin ko pumasok na ako sa loob ng bahay.
"Mama, si Pearl na po d'yan."
Pinuntahan ko sina Mommy at Nanay Lucita sa kusina.
"Ayos lang ako, anak. Hindi kasi ako sanay na walang ginagawa sa bahay at saka makikitira na nga kami rito, eh. Hayaan mo na lang ako na gumawa nang gawain bahay para kahit sa ganitong paraan ay makabawi kami."
Natawa ako nang ngumuso si mommy.
"Parang si Lola lang, Mommy." Bahagyang nagulat si mommy sa akin.
"Oo nga, eh. Na-miss ko tuloy si Mama." Sabi ni Mommy sa akin bago niya tinignan ulit si Nanay Lucita. "Sige po, Mama. I'll let you do that as long as you promise me you won't get tired because of it."
"Oo, anak. Maraming salamat!" Nginitian ni Mommy si Nanay.
"Ikaw na bahala kay Mama, Pearl, ah." Tinanguan ni Yaya Pearl si Mommy bago sila umalis ni Nanay Lucita sa kusina.
"Mommy..." humarap kaagad sa akin si mommy. "Saan nga pala nakatira sina Kuya at Ate Jenny?" Hindi ko kasi natanong kanina bago sila umalis.
"Sa SJDM, son. Tapat lang ng bahay nila Jenny... Nabili nila ang isang lupa roon kaya roon na lang nila pinili tumira. Maayos din naman sa kuya mo 'yon dahil malapit lang sa Manila ang SJDM, madali lang siya nakakarating sa workplace niya."
"Saan na ba nagwo-work si kuya, Mommy?" Hindi na muna ako sinagot ni Mommy dahil kumuha siya ng maiinom sa ref, "He built a modeling school. Remember 'yong plan na binanggit niya noon, tinupad niya." Napa "o" ako, natupad pala ni kuya 'yon.
"Nice, mommy. Masaya ako para kay Kuya."
"I'm proud of him too, son. He went through a lot too. After all, he deserved to live here, away from the spotlight he once used before that exposed him to many people. Kumpleto na ulit mga anak ko."
"Maingay na ba ulit?" Pareho kami natawa ni Mommy bago siya lumapit ulit sa akin.
"Maiba tayo. Ikaw ba anak? Are you ready to continue your studies?" I have no doubt as I nod at Mom.
"I need to be ready, mom. Not because I do not have a choice anymore, but because I want to be ready for Alon. He is so anxious about entering school again mom, so I need to be his strength for him to feel that it is totally fine." Nginitian ako ni Mommy. Hinawakan din ni Mommy ang kamay ko saka niya ako pinangunahan maglakad paakyat sa taas.
"I'm worried, son."
Tumaas ang kilay ko kay Mommy.
"Saan, Mommy?"
"You know... I'm worried they might not like to stay here. I mean... I want them to feel that this home is already with them too. I hope we can feel that they're part of this family now. I know that their decision to leave the life they had there was not an easy one."
BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
General FictionJino is his name. A guy that you can't resist. Good-looking, playful, and easy-going as fuck. He doesn't give a damn about his fine life, because the only thing that matters to him is having fun. Seriously... No, that's not in his vocabulary. What w...