CHAPTER 26

8 1 0
                                        



"Bunso gising na, kakain na tayo."

Narinig ko ang boses ni Ate, kaya napainat ako saglit bago dumilat. Pero dahil sa ilaw na direktang tumatama sa mga mata ko hindi ko pa maidlat ng maayos ang mga mata ko.

Tinanguan ko na lang si Ate, kahit hindi ko gaano naaninag si Ate alam kong nakangiti siya bago umalis. Ilang saglit din ako nakatulala sa kwarto bago tumayo at naglakad papuntang dining table. Naabutan ko sila na nagkukwentuhan na, walang emosiyon akong umupo sa tabi ni Mark dahil inaantok pa ako.

"Gising na!"

Halos matumba na ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang sumigaw si Andrea, tinignan ko siya ng masama dahil nagulat talaga ako!

"Good morning, love!" Umiwas lang ako ng tingin kay Ada nang magsalita si Mark.

Morning?

Inabot na pala ako ng umaga.

"Morning na pala." Wala pa rin emosiyon kong sabi.

"Oo, natawa nga ako sa inyong dalawa ni Blare nang tignan ko kayo kagabi, 'yong kamay mo nakapatong sa mukha niya pati hita mo, gago ka, awang-awa ako kay Blare halos matabunan mo na!"

"Tangina, totoo ba Ada?" tinanguan ako ni Ada habang natatawa.

"Oo,"

Tumingin ako kay Blare.

"Sorry."

"Ayos lang, sanay na sanay na ako sa kakulitan mo matulog."

"Grabe, bawing-bawi tulog natin kahapon 'no? Walang nagising sa'tin. Madaling araw na kami nagising ni Ate Jane."

"Lahat kamo tayo, si Bunso lang hindi."

"Grabe naman kasi b'yahe natin, two days!" natawa silang lahat sa sinabi ni Ada, ako hindi, inaantok pa rin kasi ako.

"Let's eat, the food looks delicious. Ate Maxine is really good at cooking."

Mukhang masarap nga, carbonara 'yon, fried chicken, rice, lasagna meron din.

Marunong si Ate Maxine magluto ng lasagna!

Meron din mac and cheese, favorite ko! Ginanahan ako dahil sa mga pagkain kaya kaagad kong sinandok ang mac and cheese pati lasagna.

"After we eat, be ready, guys. We will go to the mall as soon as possible so we can finally complete the things that need to be added."

Pagkasabi ni Kuya no'n ay kumain na rin siya. Carbonara naman ang nasa plate ni Kuya. Si Mark at Blare same lang, rice at 'yong chicken. Habang si Ate at Ada ay 'yong lasagna.

"Okay, Kuya." Sabi ko sabay subo ng mac and cheese, ang sarap!

"Ate, kuwento ka pa nga ng tungkol sa Royal Family. Ate! May crush akong prince roon, si Prince Darius!"

"Actually, he knows you." Nanlaki mga mata namin lalo ni Ada.

"Tangina?" napatakip siya sa bibig. "Ate! H'wag kang gan'yan, umaasa ako!"

"Totoo nga. Nagulat nga ako noon, kasi nadatnan ko s'ya that time na nags-scroll sa IG n'ya. Trivia lang, h'wag kayong maingay, ah." Tinanguan namin si Ate.

"Hindi kasi allowed ang anak at apo ng Queen and King na magkaroon ng public social media account. Para kasi sa safety nila 'yon kaya ang ginagawa nila, gumagawa sila ng dummy account. Naawa nga ako sa mga 'yon dahil kontrolado lahat ng kilos nila."

"Ay, talaga, Ate?"

"Oo, Bunso. Maya't-maya may mga body guard na nakapalibot sa kanila. Hindi sila p'wede lumabas ng palace. Nag-aaral sila sa loob ng palace, nakakalabas lang sila kapag may community engagement ang Queen and King."

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon