"Gago, Ada!!!!"
Tinawag ko na siya. Na-stress na kasi talaga ako kakahanap nang related literature para sa topic namin.
"Ano ba 'yon?"
May hawak pa siyang sandok nang lumapit siya sa akin, nasa sala ako ngayon nakaupo sa may sahig habang nakaharap sa laptop ko na nasa coffee table.
"Tangina kasi, Ada. Ang hirap maghanap!" Naiiyak na sabi ko.
Tinawanan niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ayan! Gago ka, ah. Landi pa bago research." Tinabihan niya ako saka niya hinarap sa kaniya iyong laptop ko.
"Tangina ka pala, eh. Kapag maghahanap ka dapat specific 'yong ise-search mo. Tapos sa Google scholar ka maghanap."
"Okay, tapos okay na 'yon?"
Natawa siya ng malakas.
"Hindi pa malamang! Magtiyaga ka maghanap. Ilan na lang ba kailangan mo?" Napatingin siya sa akin.
Kinuha ko muna ang laptop ko sa kaniya saka in-open ang files na nagawa ko na para sa chapter two namin.
"Dalawa na lang. Isang local lit at foreign study. Nadalian lang ako sa local lit kaso sa foreign ang mahirap. May nakikita ako kaso kailangan magbayad."
"Ay! Oo, diyan din ako naba-bad trip, e, pero kailangan mo lang talaga tiyagain. Kung si Jaymie lang ka-partner mo ngayon baka tinanggal ka na no'n." Natawang sabi niya.
Naalala ko tuloy si Jaymie, siya leader ko noon sa research namin, kamuntikan na niya akong tanggalin pero sabi ko naman iigihan ko na kaya pinagbigyan niya ako.
"Pagt'yagaan mo lang, makakahanap ka rin. Diyan ka na nagluluto pa kami ni Ate Maxine."
Sinimangutan ko siya at wala ng nagawa kun'di maghanap nang maghanap. Kaya ko 'to!
It's been a month...
Ang bilis ng panahon at ito na kami ngayon ngarag na ngarag sa research, kami lang ni Ada ngayon ang nasa bahay. Si Mark na kila Leigh, gumagawa ng research nila, si Blare naman nakila Edric gumagawa nang plates.
Susunod daw si Dom dito, palagi kami nasa kanila kaya ngayon dito naman sa bahay kami gagawa.
Phone ringing
Napatingin ako sa phone ko nang biglang tumunog 'yon. Tumatawag si Blare kaya agad kong sinagot.
"Yes," masayang bungad ko pero nawala 'yon nang marinig ko ang dahilan niya kung bakit siya napatawag.
[May... May gagong bumangga kay Edric... Nasa hospital kami ngayon.... He is still unconscious... Natatakot ako, Jino!]
Napatayo kaagad ako sa kinauupuan ko at sinara 'yong laptop ko at dali-dali pinuntahan si Ada sa kusina.
"Papunta na kami diyan. Be strong, Blare. See you later." Binaba na ni Blare ang tawag. "May sumagasa raw kay Edric. Nasa hospital sila ngayon."
"What? Gago!" Agad na hinubad ni Ada ang apron niya saka kami nagpaalam kay Ate Maxine, nag-book kami ng sasakyan papuntang hospital.
He texted me where they were.
"Hey," tawag ko kay Blare. Napatayo siya agad nang makita niya kami, "Nasa'n siya?" tanong ko sa kaniya.
"Nasa loob... ginagamot." Naluluhang sabi niya kaya agad namin siyang nilapitan ni Ada at niyakap.
"Shh, ano ba nangyari?" tanong ni Ada.

BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
General FictionHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...