CHAPTER 84

2 1 0
                                    


"Isang buwan na, Jino, simula nang maging tayo. Sa loob ng isang buwan na 'yun, hindi ka nagkulang sa akin na iparamdam kung gaano mo ako kamahal, sapat na iyon sa akin para kumapit pa lalo sa'yo."

Isang buwan... Naka-isang buwan na pala kami ni Alon.

Sa loob ng isang buwan na 'yun mas minamahal ko siya. Kay Alon ko muli naramdaman ang pakiramdam ng pagiging kuntento. Ang pagmamahal niya ang nagbigay ng pag-asa sa akin para maniwala ulit ako na kaya kong magmahal sa walang hinihintay na kapalit. Sa kaniya ko naramdaman ang magmahal muli ng totoo.

"I love you so much, Alon." Hinalikan ko siya, deserve niya iyon. "Maraming salamat."

"Nalulungkot lang ako, mahal." He formed a sad smile.

"Ha?" may pagtatakang sabi ko. "Saan naman?."

"Gusto kitang surprisahin kaso ayaw mo ng mga gano'n."

Natawa ako nang bahagya dahil ang cute niya habang sinasabi iyon.

"Ano ka ba, wag ka na malungkot. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kasama ka, sakto pa na day off natin ngayon."

"Bakit? Saan mo ba gust-"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil kaagad ko siyang hinalikan at niyakap nang mahigpit.

"Teka," inawang niya ako nang kaunti sa kaniya saka siya tumingin sa pinto. "Lock ko lang sandali."

Nagmadali siyang ni-lock ang pinto habang ako naman ay umakyat sa taas para pumasok sa kwarto naming. Alam ko naman na may idea na siya sa gusto kong mangyari kaya pagkapasok niya sa loob ng kwarto naming ay agad ko siyang pinahiga sa kama at hinalikan. Binalik naman niya ang pagkakahalik ko sa kaniya habang dahan-dahan na hinihiga ako sa kama hanggang makapatong siya sa akin.

"Happy fist month, mahal ko." Bulong niya sa tainga ko sabay patuloy nang paghalik sa akin.

Binulungan ko rin siya pero mayamaya ay hindi ko na pinatagal dahil hinubad ko ang damit niya at ganoon din ang akin.

"Dahan-dahan lang ako, pangako."

I just nod because I know he'll be gentle, but he can still hurt me and make my knees weak. He has a huge thing.

And as I expected, with every second that passed, we became more eager than usual. Ang saya-saya nang puso dahil pareho namin kinatutuwa ang nangyari. Bawat halik, hawak, at yakap namin sa isa't-isa ay walang katumbas na saya para sa aming dalawa.

Amin lang ang isa't-isa, at walang pagdududa roon.

"Masakit pa rin ba?"

Natawa lang ako sa kaniya dahil hanggang ngayon bakas pa rin sa mukha niya ang guilt na nararamdaman niya. Hindi naman niya kailangan mag-alala, inaasahan ko na ito.

"Shh..." hinaplos ko ang pisngi niya. "Don't worry na, I'm okay. Masasanay rin ako sa tuwing papasok ulit 'yan." I tease him as I laugh.

"Sigurado ka ha?"

Tinanguan ko siya bilang tugon. Wala naman kasi talaga siyang dapat ikabahala.

"Tara sa beach?" haya ko sa kaniya.

Tumayo ako sa kama kung saan kami nakaupo matapos namin magbihis pareho.

"Siguro ka ba? Hindi na ba masakit 'yang balakang mo?"

"Hindi na. Tara na, gusto ko lumangoy!"

Excited ko siyang hinawakan sa kamay niya saka siya hinatak papunta sa beach. Pagkalabas namin, sumalubong sa amin ang napakaraming turista. Bago kami lumangoy, nakipaghalubilo kami muna sa mga turista para hikayatin sila na bumalik dito sa isla.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon