CHAPTER 80

4 1 0
                                    



"Alon, she wants your name."

Napatingin sa akin si Alon nang sabihin ko 'yon sa kaniya. Nasa puwesto niya siya gumagawa ng cocktail drink nang ituro ko iyong babaeng nagpasabi sa akin kanina na gusto raw niya malaman pangalan niya. Ang sabi ko kasi, I'll ask him first about it. I don't have any right kasi to tell anyone what my friends or close ones' names are.

"Hindi ako interesado." He replied.

Mapangasar naman akong tumawa sa kaniya.

I am enjoying working here. Noong natanggap ko nga ang first salary ko, tuwang-tuwa ako at nakaramdam ng fulfillment sa sarili ko since pinaghirapan ko 'yon. Kakaiba pala sa feeling iyong gumastos ako na gamit ay iyong pera na pinaghirapan ko. Nagbigay rin agad ako kay Nanay, 60% of my salary is for my contribution, while the other 40% is for mine, for my savings.

Ayaw pa nga tanggapin ni Nanay 'yon but I still want to contribute to them. I'm not important person sa kanila. I know my responsibilities and for the expenses of the house. Ang mahal pa naman ng kuryente at tubig ngayon.

"Sus, gusto lang daw malaman name mo. Pero sige, ikaw, kung 'yan desisyon mo. I respect that." I winked at him before I left his place and went to mine.

It's been months... ang dami ng nangyari at masasabi ko na rin na nakapag-adjust na ako sa buhay na meron dito.

Masaya pala. Before, I thought Samar was just a phase of a vacation place, but I guess I was wrong for thinking that way. It is more. Samar is more than a vacation where everyone won't stay that long. The peaceful life here, afar from the cities, the quiet places that I used to love, less pollution, fewer people—a perfect place to live peacefully.

I found myself here.

"Rina," Tawag ko sa kasamahan ko.

"Bakit?" lumapit siya sa akin, may hawak pa siyang tray.

"Wala naman, uhm... pwede ikaw muna rito? Punta lang ako sa staff room. Iba pakiramdam ko, eh."

"Yeah, sure, no problem. Get well, Jino."

I smiled at her.

"Thank you, Rina."

Tumayo na ako at agad na pumunta sa staff room. Bigla kasi ako nakaramdam ng sama nang pakiramdam, kahapon ko pa 'to nararamdaman pero ngayon ko lang pinansin kasi parang iba na.

"Kuya Ben, nasaan na po 'yong mga meds natin dito?" tanong ko kay Kuya Ben, isa sa mga chef ng resto.

"Wala ba diyan, Jino?" Umiling ako at tumingin ulit doon sa cabinet for first aid kits. Wala talaga.

"Wala po talaga, eh." Lumapit si Kuya Ben sa akin, tinulungan niya ako maghanap ng meds dito pero wala kami nakita.

"Ano ba nararamdaman mo?" Hinipo ni Kuya Ben ang noo ko. "Hala! Nilalagnat ka. Maupo ka muna diyan, anak." Sinunod ko si Kuya Ben.

Umupo ako sa available na mono block at pinahinga muna ang sarili roon. Nakakaramdam na rin ako ng hilo.

"May sakit ka?"

Napatingin ako sa pumasok ng staff room.

Si Alon.

Papalapit siya sa akin.

Nang makalapit na siya sa akin, kinuha niya agad iyong isa pang mono block na nakita niya sa gilid. Hinipo niya rin agad ang noo at leeg ko, pagkaupo niya sa harapan ko.

"Nilalagnat ka nga, ang putla ng labi mo, pinagpapawisan ka na rin. Sandali lang." Tumayo siya at alam ko na kung saan siya pupunta.

"Wala na tayong gamot diyan, hijo." Naunahan ako ni Kuya Ben magsabi kay Alon.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon