"Sige na, hinihintay na nila tayo."
Sinabi niya sa akin pagbukas na pagkabukas ng elevator. Pero ganun pa man, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ang lahat nang iyon ngayon. I don't know, but I feel like I needed it, and I'm glad it happened.
Nauna akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya at nauna rin na lumabas, sumunod naman siya. Habang papalapit kami sa loob ng opisina, ramdam na ramdam ko pa rin ang lakas ng tibok ng puso ko. Iba ang tibok nito ngayon para akong aatakihin anytime.
Nang pareho na kami na nasa loob ng opisina, naabutan namin na may kausap na si Mommy at Daddy. I guess, 'yun ang parents ni Mark.
Lumapit ako nang kaunti kay Mark, napansin ko kasi agad 'yung Dad niya. I think I saw him na before dito rin sa opisina.
"Sino kasama ng Daddy mo?" Tanong ko sa kaniya habang papalapit kami sa kanila.
"Mommy ko."
Napa "o" ako. Ang ganda ng mommy niya.
Pagkarating namin binati ko kaagad sina mommy at daddy. "Hi, son." Bati pabalik ni Mommy sa'kin.
"Sit down here." Turo ni Daddy sa available na upuan sa tabi niya.
"Okay, dad."
"Mr. and Mrs. Cross. He is Jino, my younger son. The only Argero who will inherit the Argero Group of Companies." Pagpapakilala ni Dad sa akin.
Tumayo ako at nakipagkamay sa parents ni Mark. Kinakabahan ako pero hindi ko pinahalata.
"Hello, po... Ma'am—" hindi ko alam ang itatawag sa kanila.
"Khimberlie Cross, or just call me Mrs. Cross." Nakangiting sabi ng mommy ni Mark sa akin saka ako kinamayan pabalik. "It's nice to meet you, Jino."
"I'm Jorge Cross, or Sir Cross." Ngumiti ako nang tipid sa daddy ni Mark at nakipagkamay rin. "Nice to meet you din, Jino."
"It's nice to meet you rin po, Mr and Mrs. Cross." Pormal na sabi ko.
"By the way, this is Josh. My only son, who will inherit all of the Cross family's businesses." Pagpapakilala ng Daddy niya sa kaniya.
Why do I feel like it's an honor to hear that from his dad?
"Dad!" Based on Mark's tone of voice, he didn't like how his dad introduced him. Yeah, probably because he doesn't like the name 'Josh'. "Mark... Call me Mark, Mr. Argero." Tumayo siya sa kinauupuan niya at nakipagkamay sa akin.
"Nice meeting you, Mr. and Mrs. Argero — especially you, Jino. It's been a pleasant day now that I've met you. The pleasure is mine."
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang ilapit ang likod ng palad ko sa kaniya at doon ko na lang naramdaman ang labi niya. He kissed my hand!
"S-Same as well, Mr. Cross. I'm glad to see you here." I smiled awkwardly.
Bibitawan ko na sana siya ngunit hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko, siningkitan ko siya dahil sa ginawa niya at kumuha nang lakas para ako na mismo ang bumitaw, nagawa ko naman.
Narinig ko na natawa siya nang mahina bago kami sabay na umupo.
Matagal-tagal din ang naging pag-uusap nila kaya matagal din kami na nandito sa loob ng opisina. Sinubukan kong makinig dahil kailangan ko iyon para maintindihan ang trabaho nina mommy at daddy.
Hindi lang ako makasunod paminsan dahil kay Mark. Ewan ko, nadi-distract ako sa kaniya, paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko iyong nangyari kanina. Pasulyap-sulyap din ako kung tumingin sa kaniya, buti hindi niya iyon napapansin dahil busy siya makinig.
BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
General FictionHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...
