DIM

17 2 2
                                    


tw: abuse, blood, gunshot 


JINO KAGE ARGERO 


From: Unknown number

see you at new lounge restaurant.

Kumunot ang kilay ko sa nabasa kong text.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko, nags-scroll lang sa social media ko nang ma-receive 'yon.

Sino 'to?

To: Unknown number

who r u?

From:

are you curious about the bonnet gang right?

Bigla akong napatayo sa kama ko nang mabasa 'yon.

To:

omw

Dali-dali akong nagbihis, I decided to wear a simple white t-shirt, a pair of short and sneakers. Wala sina Mark at Andrea ngayon kasama si Ate Maxine, nasa grocery sila para sa celebration namin bukas. Napagdesisyunan kasi namin na mag-celebrate na kami-kami lang, bakasyon naman na namin at 'yon umalis sila para sa ihahanda bukas.

Mas okay na rin na wala sila rito, kung nandito sila ipipilit lang nila na sumama. Gusto ko na ako na muna ang makaalam ng lahat.

Gusto ko malaman kung sino sila at bakit nila ginagawa ito. Sinasaktan nila mga mahal ko.

"Thank you," sabi ko sa driver ng sasakyan na binook ko papunta sa restaurant na sinasabi ng unknown number.

Bumaba kaagad ako at nagmadaling tinignan ang restaurant na sinasabi niya. Pumasok agad ako sa restaurant, kinilabutan pa ako dahil walang tao sa loob.

Bakit walang tao?

Restaurant 'to, maraming tao na kapag ganitong oras. Nagdadalawang isip tuloy ako kung tutuloy pa ba ako.

Bahala na, nandito na ako, kailangan ko siya o sila harapin. Kinakabahan ako, sana walang mangyaring masama sa akin.

"Come in."

Napatingin ako sa bandang kaliwa ko ng may nagsalita roon.

Napakurap ako ng dalawang beses at nakaramdam ng inis, siya 'yong hinabol namin ni Dom noong defense namin. Nakadi-kwarto siya, nakaupo at nakasandal pa sa isang upuan dito. Suot niya ang bonnet niya pati mask. Itong-ito ang suot niya noon.

Napalunok ako nang bigla niyang tanggalin iyong suot niyang bonnet at mask.

Sino 'to? Hindi ko siya kilala.

"Hintayin mo na lang amo ko."

Kumunot ang kilay ko, nagta-Tagalog siya.

"Hindi kayo taga rito." I heard him laugh. "Bakit?" tinitigan ko siya ng masama.

"Wala ako sa posisyon para magsabi sa'yo ng ano mang bagay na pinag-utos lang ng boss namin."

"Sino? Bakit niyo kailangan saktan ang mga kaibigan ko?"

Natawa lang siya.

Tangina nito!

"Bingi ka ba? Hintayin mo nga kako amo ko, bobo. Maupo ka diyan." Napailing siya saka siya may kinuhang sigarilyo sa bulsa niya at sinindihan iyon. Tinitigan niya ako, he is smirking at me.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at nakipagtitigan din ako sa kaniya.

Mayamaya ay tumayo siya sa kinauupuan niya, akala ko pupuntahan niya ako pero bigla siyang lumihis papunta roon sa front side ng restaurant saka siya kumuha ng isang bote ng alak doon sa fridge.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon