CHAPTER 87

20 2 0
                                    


"Kasama talaga ako?"

Natawa ako sa tanong ni Pat.

"Oo naman, ikaw pa ba!" sigurado kong tugon sa kaniya.

This is the day.

Handa na ako habang sila ay naghahanda pa rin. Mayamaya ay pupunta na kaming rest house para makita na sila. Sakto naman na tapos na ang pabasa nila nanay kanina. Nasabi ko kay Blare 'yon na tatapusin muna namin ang pabasa rito bago kami pumunta roon.

While we're waiting for nanay to finish preparing, I noticed Alon's behavior on the sofa. He was sitting there staring at nowhere. Kanina pa siya tahimik.

I approached him. When I was already with him, I smiled at him and touched his chin for him to see me, and there I kissed him. He is now wearing his plain blue t-shirt, denim jeans, and rubber shoes. It looks quite simple, but he's carrying it so well. It made him more attractive. Grr! I love him.

Pat is wearing her usual shirt, it is a red striped t-shirt, black fitted jeans, and rubber shoes. She also has a red handkerchief on her forehead. She looks cool and beautiful.

"Gusto ko magpalit."

Kumunot ang kilay ko nang sabihin niya 'yon sa'kin. Nasa harapan niya ako ngayon, nakatayo habang siya ay nakaupo sa sofa.

"Bakit naman? Ang gwapo-gwapo mo na." Inilagay ko sa baba niya ang index at thumb finger ko, "Oh! Pogi-pogi, e!" Pinisil ko ang baba niya gamit iyong index at thumb finger ko.

"Oo p're, maayos na 'yang suot mo." Pero hindi pa rin nagbago ang mood niya. He still looks worried. "P're, hindi ka pa naman mamamanhikan." Dagdag ni Pat.

"Parang ganoon na rin 'yon, p're. Haharapin ko na mga magulang ni Jino, hindi lang magulang ng mahal ko, pati mga mahal niya sa buhay makikita ko na rin." Bumuntong-hininga siya.

"Mahal, don't worry. Sobrang maayos ka na diyan at saka hindi naman nila 'yan papansinin. They are more concerned about the attitude of a person than how they wear clothes. That's important to them, attitudes over physical attributes."

"Stand up, mahal!" Pinatayo ko siya at agad na niyakap so he could feel less worried. Maybe it might help.

"You know what, mahal? I'm nervous too because it's been four years, you know. Four years ko silang hindi nakita 'tas sa isang kisap-mata lang ito na sila... makikita ko na ulit sila, but at the same time I'm still happy. Magiging masaya sila na makita tayong lahat." Niyakap ko pa siya nang mahigpit.

"Tara na?"

Napakalas agad ako sa pagkakayakap sa kaniya nang magsalita si Nanay. Kakatapos niya lang, she looks stunning in her attire now. It is a dress that I bought for her before. It's a simple floral dress, and sandals. She looks really ready because nanay also put lipstick on her lips and some blush on her cheeks.

"'Nay, ang ganda mo." Napapalakpak si Pat.

"Salamat, Pat. Tara na, baka kanina pa sila naghihintay doon. Nakakahiya, baka maraming ginagawa mga magulang mo."

"Don't worry, 'nay. They clear all their schedules just to come here and finally meet us."

Nanay gave me a nervous nod.

"Oh, siya tayo ay magumpisa nang maglakad. Exercise na rin." Natawang sabi ni Nanay saka niya kami sinenyasahan na mauna na sa labas. Sisiguraduhin na muna raw ni nanay na walang nakasaksak na ano mang kable ng kuryente.

Nang makalabas na kami nila Pat, doon ko lang naramdaman din ang kaba, mas kinabahan ako...

Ito na iyon, makikita ko na sila ulit.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon