BLARE LIAM MAURICIO
&
JOHN EDRICSON GRAY
"What are you doing, Liam?"
Natawa lang ako sa kaniya. Ang cute niya talaga magalit.
"Ano?"
Hindi ako nagsalita, tinitigan ko lang siya habang nakangiti.
He looks so fine tonight. I can't take my eyes off of him. I mean, that was the first thing I did when I saw him for the first time, when Eric brought him home. My time suddenly came to a halt, and everything moved at a glacial pace. I can't help myself but, to stare at him.
"Bakit tayo nagpaiwan?"
Hindi ko siya ulit sinagot, nanatili lang akong nakatingin sa kaniya.
Ito na 'yon. Alam ko na sa sarili ko at siguradong-sigurado na akong mahal ko 'tong lalaking nakatayo sa harapan ko.
Mahal ko 'tong nakakunot na ang kilay sa akin,
Mahal ko 'tong galit na sa akin ngayon dahil nagpaiwan kami at hindi sumabay pauwi sa kanila.
Matagal-tagal ko rin pinagisipan, at pinakiramdaman ang sarili ko.
Nakatulong sa akin ang nangyari noong birthday ni Jino, I realized a lot because of that. Nasaktan ako pero iyon din pala ang panahon na sasampalin ako nang realidad na mali ang nararamdaman ko para sa best friend ko. Hanggang kaibigan lang kami at nirerespeto ko 'yon.
Ngayon, alam ko na. Sigurado na ako...
Hindi ko na sasayangin si Edric.
Mahal ko siya, at sana ganoon din siya sa akin.
The first time we kissed each other that time, I know there was something going on between us, but of course I don't want to assume things without any words from him.
Nangangamba lang talaga ako, dahil sa kagustuhan ko maging sigurado.
Marami akong oras at panahon na nasayang para aminin sa sarili ko itong nararamdaman ko sa kaniya. Kaya ngayon, wala na akong sasayangin, ano man ang mangyari ngayong gabi, tatanggapin ko ng buong-buo.
"Kung magtititigan lang tayo dito, sana sumabay na lang tayo sa kanila umuwi, 'di ba?" Napailing siya at akma na sanang aalis sa harapan ko nang hawakan ko ang kamay niya.
"H'wag ka umalis." Napatingin siya sa kamay niya na hinawakan ko bago niya ako tinignan, nagtataka.
"Bakit? May pupuntahan ba tayo? Kumain na tayo, ah, nagugutom ka pa rin?"
Natawa ako, nagiging madaldal talaga siya kapag nagagalit.
"I want to be with you alone just for this night, if it's okay with you."
"Ah? Bakit naman? Wala naman tayo project or what..."
"Uhm, wala lang. Kahit ngayong gabi lang naman. Hindi tayo natuloy noong nakaraan, dumating sina Tita at Tito."
Natahimik siya, I waited for him. I give him a moment to think.
"Ah... S-Sige, saan ba?"
Napangiti ako, saka ko hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon.
"Is that really okay with you?" Tumango siya. "Okay, let's go now." Pinangunahan ko siya maglakad.
Dito na muna kami, gusto ko siya bilhan ng mga minion memorabilia, mahilig 'to sa mga minions, eh. Iyong buong k'warto niya punong-puno ng mga minion related items.
BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
General FictionHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...
