"Malapit na ako, mahal."
Palinga-linga ako sa bintana ng sasakyan pagkapasok namin sa village.
[Nasa labas lang ako, hinihintay kita.]
"Okay, see you then." Ibinaba ko na ang tawag niya dahil nakita ko na 'yong bahay namin at totoo nga na nasa labas si Alon, naghihintay.
"Thank you po." Sabi ko sa driver ng grab bago ako lumabas.
"Hi!" tumakbo siya papalapit sa akin, nakangiti. Sinalubong ko naman siya.
He kissed my forehead. "Kumusta lakad niyo? Nagkausap na kayo?"
"Oo, mahal. He is not the same as before. I mean, I'm worried about his health. Pero sabi naman niya ay maayos lang siya... I hope he's telling the truth." Nawala ang ngiti niya at napalitan iyon nang pagaalala rin.
"Talaga? Duda ako sa mga "maayos lang ako" na sagutan... Kasi karaniwan hindi totoo 'yon."
I agree with him.
"Yeah, I think the same way. But I'm still wishing that he was telling the truth." I sighed before giving him a smile. "Mahal, pinapunta ko nga pala sila rito bukas. Hindi ba alam mo naman na nagkatampuhan ang parents ko at parents ni Mark? Gusto ko sila magkaayos."
"Wow, oo naman!" Napatingin ako sa kamay ko nang hawakan niya 'yon. "Susuportahan kita diyan, mahal. Para kina Mommy at Daddy, pati na rin sa magulang ni Mark."
"Salamat." I kissed him.
"Walang anuman. Tara na? Pasok na tayo. Maayos na ang kwarto mo."
Kumunot ang kilay ko sa kaniya. "Kwarto natin."
Natawa lang siya. "Oo, kwarto natin." Hinatak niya ako papasok sa bahay, natawa ako dahil doon. He looks excited.
"Nakarating ka na pala." Salubong ni Ate sa'kin nang makapasok kami sa loob ng bahay. Tinabihan namin ni Alon si ate sa sofa, kumakain nang mansanas si ate habang katabi si Dono.
"Arf! Arf!" Lumapit ako saglit kay Dono at binigyan siya ng halik. "Hi, baby." Tinahulan niya lang ulit ako. Napanguso ako nang lumayo siya sa akin at pumunta roon kay Alon. Tinawanan naman ako ng mahal ko.
Hinarap ko na lang si Ate. "Yeah, Ate. Si Mommy at Daddy?" Tanong ko kay Ate.
"Umalis. Pumuntang opisina, kakaalis lang kanina."
"Okay," tatayo na sana kami nang may ihabol si Ate.
"Kumain ka na ro'n. May niluto sina Yaya at Lola Lucita, ang sarap." Sabi ni Ate habang nakatingin siya roon sa laptop niya.
"Ikaw?" Tinignan niya ako sandali bago siya tumingin ulit sa laptop niya.
"Diet ako."
Kumunot ang kilay ko.
"Ha? Paano mo nasabing masarap 'yong niluto nila?" Napahinto siya sa ginagawa niya sa laptop at sinamaan ako nang tingin bago niya hinagis sa akin iyong unan sa tabi niya.
"Tanga mo, malamang tinikman ko! Pero hindi ako kumain. Utak ay paganahin, ha." Napasapo siya sa noo niya, umiiling. Narinig ko rin na natawa si Alon. "Buti pa si Alon may utak." Dagdag pa niya kaya agad kong hinagis din sa kaniya 'yong hinagis niyang unan sa'kin nasalo ko kasi kanina.
"Napakamo talaga kahit kailan." Natawa lang si Ate sa'kin saka niya kinagatan 'yong mansanas na kinakain niya. "Tara na, baka maistorbo pa natin ang baby time nila ng Prince niya." I emphasize the word "prince." That made her more annoyed with me kaya dali-dali kami tumakbo ni Alon papuntang kusina.
![](https://img.wattpad.com/cover/284658068-288-k537333.jpg)
BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
Genel KurguHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...