"I told you, sa'yo na 'yan."
Nandito kami sa loob ng kwarto, kanina pa nagtatalo dahil sa damit ko na binigay ko sa kaniya. Iyon ang damit na suot ko nang makita ako ni nanay sa dalampasigan na natutulog. Binibigay ko na sa kaniya dahil hindi ko naman na ginagamit.
"Just think of it as my gift, although it's not brand new."
Napapikit na siya at napabuntong-hininga na lang. Ako naman ay natawa sa itsura niya. He looks so done right now.
"Ayaw ko, Jino, nakakahiya."
"Anong nakakahiya? Ako nga pinahiram mo ng gamit mo noon, hindi naman ako nahiya."
"Basta, nakakahiya." Kinamot niya ang ulo niya.
"Ang gara mo," I formed a downward smile. "Sige na, umalis ka n-"
"Bahala ka nga,"
Napangiti ulit ako nang kunin niya sa akin ang damit saka niya iyon sinuot.
"Very good, then I wish you a good luck. Ingat ka!"
Paalis na siya ng bahay para pumasok sa trabaho niya. He is wearing the shirt I gave him, tucked into a pair of black slacks and a pair of black shoes. May dala rin siyang mini bag, nakakabit iyon sa balikat niya.
"Salamat. Bye, mag-ingat ka rin. Pauwi na rin naman na si nanay kaya may makakasama ka na mamaya."
I just gave him a nod before locking my gaze on him, he furrowed a brows.
"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" Umiling ako pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. "Bahala ka na nga, mala-late na ako."
I raised my brows and laughed when he didn't even let his feet walk. He remained in front of me, staring at me like he was debating with himself whether he should go or not.
"Akala ko ba aalis ka na?"
He rolled his eyes.
I laughed! "Go, you can't be late. Take care!" Lumapit ako sa kaniya dahil napansin ko na hindi maayos ang pagkakalagay niya ng bag sa balikat niya kaya inayos ko muna 'yon bago siya sinamahan palabas ng bahay.
Natawa pa ako nang palingon-lingon siya sa likod niya habang naglalakad. Nabungo pa niya si Pat kakalinga sa akin, pinagsabihan tuloy siya ni Pat pero agad na rin naman na sila umalis at sabay na naglakad papunta sa work nila.
I sighed when I could no longer see them, tinuon ko na lang ang atensyon ko sa paligid. Madilim na at kaunti na lang ang tao sa isla.
Nilibot ko ang tingin sa paligid nang maalala ko bigla si Nanay, for sure pabalik na siya rito kaya tumakbo agad ako papunta sa puwesto niya. Sakto pagdating ko naabutan ko roon si Nanay, nagliligpit na.
"Nanay, tulungan ko na po kita." Kinuha ko kay nanay 'yong bitbit niyang lamesa.
"Salamat, anak. Sanay naman ako pero sige para mapabilis tayo."
Binuhat ko ang lamesa pabalik sa bahay. Inilagay ko muna iyon sa terrace bago ako bumalik kay nanay para kunin naman ang kalan, at iba pang niyang ginamit kanina.
"Salamat, apo. Ako na mag-aayos nito, pumasok ka na sa loob."
Nginitian ako ni nanay kaya sinunod ko na lang siya, pero ako na nagbalik ng mga nagamit na panluto at inilagay iyon sa lababo.
"Nakaalis na ba si Alon?" Tanong ni Nanay sa akin pagkapasok niya sa bahay.
"Opo, kakaalis lang po niya."
She just gave me a short nod before letting herself sit on their sofa.
Nanay looks tired. I wonder if this is her routine every day, especially when Alon is not around due to his work. She's all alone here. It was just now that I admitted that to myself. It's quite sad to think about it.
BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
General FictionJino is his name. A guy that you can't resist. Good-looking, playful, and easy-going as fuck. He doesn't give a damn about his fine life, because the only thing that matters to him is having fun. Seriously... No, that's not in his vocabulary. What w...