CHAPTER 35

55 1 0
                                        



Blare POV

1 week ago.

A day after the incident.


"Lumapit ka pa sa'kin, Liam."

Ginagawa ko naman. Nandito ako ngayon sa k'warto ni Edric, pinapunta niya ako rito para ipakita kung ano 'yong nalaman niya.

Dahil sa nangyari kay Jino, nabanggit niya sa'kin noong nasa park kami kahapon na interesado siya sa kung sino nga ba talaga sina Zoe at Chloe.

Matagal na niya gustong-gusto malaman kung bakit nananatili sila hanggang ngayon sa school. Sa sobrang dami na raw ng naging biktima nila Zoe ni isang beses hindi ito ni-recognize o inaksyonan ng school.

Pinoprotektahan ba ng school si Zoe at Chloe? Kung oo, bakit? Marami siyang mga tanong na gusto niya masagot kaya pumayag akong tulungan siya. Gusto ko rin malaman ang lahat. Nasabi na niya sa'kin kahapon ang nalalaman niya noon, pero hindi pa siya sigurado sa lahat.

"Look." Pinakita sa akin ni Edric ang nakita niya about kay Ms. Auclair, ang may-ari ng school. Inaalam kasi namin ngayon kung related ba si Zoe at Chloe kay Ms. Auclair. That's our initial gut.

"Sabi rito, si Ms. Auclair ay may twin daughter na nangangalang Zenny at Lairy Auclair pero hindi nabanggit dito kung buhay ba sila o kung na saan na sila."

Tumango ako habang nakatingin doon sa article na naka-flash sa screen ng laptop niya.

"Sa pagkakaalam ko kasi at kumalat ito noon na nakunan "daw" siya, base lang 'to sa isa pang news na nabasa ko way back in 80's. Marami nga raw nagtaka noon na all this time raw ay buntis pala si Ms. Auclair,"

"Sobrang sikat ni Ms. Auclair noon, Liam. She is so famous because of her business, influence, and power. In her time, she is completely unreachable."

"Oh, ano naman connect no'n kila Zoe?"

Nakaupo ako ngayon sa kama niya habang siya ay nasa swivel chair niya, nakaharap sa laptop niya.

"Walang nabanggit kung totoong nakunan si Ms. Auclair, walang proof, sinabi lang na nakunan. What if totoong buhay ang mga anak ni Ms. Auclair, sinabi lang nila na nakunan siya para may hindi malaman ang mga tao tungkol sa pinagmulan ng bata?"

"Lahat kasi, Liam clueless, ni hindi nga nabanggit kung may nakarelasyon ba si Ms. Auclair that time. Naghanap ako nang naghanap ng iba pang news tungkol kay Ms. Auclair and her twin pero wala nang lumalabas..."

He's so serious while telling me these things.

"May iba akong kutob, Blare, sa koneks'yong meron sina Zoe, Chloe, at Ms. Auclair."

Napatango ako, nage-gets ko na kung ano ang pino-point out niya.

"So you conclude that maybe si Zoe at Chloe ang kambal na tinutukoy sa article na nakita mo?" He nodded. "Itinago ni Ms. Auclair 'yung kambal kasi baka natatakot siya masira kung ano meron siya ng mga panahon na 'yun?" I raised my brows, confirming my conclusion to him.

"Yes! Iyon din ang palagay ko. Kaya malakas ang kutob ko ngayon na konektado talaga sina Zoe at Chloe kay Ms. Auclair. God! I'm so curious... Matanda na si Ms. Auclair ngayon, for sure. Hindi siya madalas makita sa school pero dahil sa mga nakita ko ngayon, mas gusto ko siya makilala."

I'm amazed, but it's kind of creepy.

"Paano?" He chuckled.

"Just trust me hahanap ako ng mga sources." He winked, napaiwas tuloy ako ng tingin sa kaniya.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon