"I mean, si Jino muna."
Hindi ko pinahalatang napabuntong-hininga ako. Hindi naman sa nagsisinungaling ako sa mga kaibigan ko pero kasi hindi pa ako handa.
Nakokonsensiya ako. Pero natatakot din ako sa kung ano ang magiging reaksiyon nila kapag nalaman nila. Kinakabahan ako, paano ba?
Bahala na nga!
"Uhm..."
Wala na akong choice kun'di ang aminin na sa kanila. Malalaman at malalaman din naman nila so bakit hindi pa ngayon, 'di ba? I'll prepare myself na lang, biglaan man bahala na. May pangako rin kasi kami sa isa't-isa na walang maglilihim sa amin.
"Mark, s-sabihin na natin."
"Ang alin?"
Napatingin ako kay Ada pero hindi ko siya sinagot.
"Sa kwarto tayo."
Tumayo ako sa kinauupuan ko at pinangunahan sila paakyat sa kwarto ko. Kung ano man magiging reaksiyon nila, rerespetuhin ko. At least masasabi na namin.
Nang makapasok na kaming lahat sa loob ng kwarto ko, umupo ako sa kama. Si Mark tinabihan ako, si Ada at Blare roon umupo sa swivel chair ko, nakaharap sila sa'min.
"May problema ba?" kalmado lang si Ada ngayon pero iyon ang dahilan kung bakit mas kinakabahan ako. "Bakit parang ang seryoso mo naman?" natawa siya.
"Guys..." kinakabahang sabi ko. "May sasabihin sana kami ni Mark sa inyo." Tumingin ako sa kaniya. Kung ako kabang-kaba na rito, siya ay sobrang kalmado lang, ni hindi siya kinakabahan, nginitian niya pa ako.
Tinanguan niya ako saka kami sabay na tumingin ulit sa kanila.
"I'm courting him," he said directly.
I clench my fist as I stare at them.
Natahimik silang dalawa. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maramdaman ang luha ko na palabas na.
"Ahh... ayos lang ku-"
"Jino!" Nilapitan ako ni Ada at kaagad na niyakap. "Proud ako sa'yo!"
"Proud ako sa'yo!" got stuck in my mind and made me cry.
"Shush... Don't cry. That's totally fine. Nakaka-proud ka!"
"Thank you, Ada."
Tumango siya. "Oo naman..!" Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. "Gago kayo! Congrats sa inyo! Ah!!! Ship ko talaga kayong dalawa, eh." Natawa siya.
Pinunasan ni Mark ang luha ko bago siya tumingin kay Ada at ngumiti.
"Thank you, Andrea." Sabi niya kay Ada.
"Suportado ko kayo!" Niyakap niya kaming dalawa. "Deserve niyo ang isa't-isa." Sabi niya sa'min bago siya kumalas sa pagkakayakap niya sa'min.
"Nice...! C-Congrats!"
Sinalubong niya ako ng yakap nang tumayo ako para lapitan siya. "Salamat!" niyakap ko siya pabalik.
Kakalas na sana ako sa pagkakayakap sa kaniya pero humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Hinigpitan ko rin ang pagkakayakap ko sa kaniya sabay ngiti. Ang sarap sa pakiramdam.
"Masaya ako para sa'yo, Jino." Halos bulong na sabi niya, hinaplos din niya ang likod ng ulo ko.
"Thank you, Blare."
Nanatili siyang nakayakap sa akin hanggang siya na mismo ang kumalas. Tinignan niya ako saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"I'm proud of you..."

BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
General FictionHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...