'TIL OUR GLEAMING PROMISES

15 1 0
                                    


JOSH MARK A. CROSS

&

JINO KAGE C. ARGERO


"Hoy! Magsigising kayo!"

Napahawak at napakamot ako sa ulo ko, nakakunot ang noo ng may naramdaman akong humampas ng paa ko.

"Gising na, blah, blah..."

Sino ba 'yon? Kinanta pa niya.

Didilat ko na sana mga mata ko pero hindi ko pa mabukas dahil may ilaw na tumatama mismo sa mga mata ko, kinusot ko iyon at pinilit na idilat kahit masakit.

"Ah!!" napahawak ako sa dibdib ko kasabay nang pagsigaw ako ang pagkagulat niya at nakaangat na iyong baseball bat na hawak niya, handa na ihampas iyon.

"Bakit?"

Lumapit siya sa akin, takot na takot kaya natawa ako ng malakas.

"Joke lang, kala ko kasi aswang 'yong nasa harapan ko."

Nang ma-realize niya ang sinabi ko agad siyang gumapang papalapit sa akin at saka ako binatukan, napakamot ako sa ulo ko, ang sakit!

"Matapos namin mag-effort para sa anniversary niyo gagaguhin mo lang ako? Wala kang kwenta!"

"Ingay,"

Napaling ang tingin ko kay Mark nang gumalaw siya patalikod sa akin at niyakap iyong unan na nasa tabi niya.

"Love, gising na." Hindi niya ako kinibo, natulog siya ulit.

"Gising!"

Pati ako nang ihampas niya iyong hawak niyang baseball bat sa pader ng k'warto, hindi naman malakas, nag-create lang ng tunog ay nagulat.

"Gising na!" excited niyang sabi.

"Sino ba 'yon?" nakakunot ang kilay niya pagkatingin kay Ada.

"Hehe!" nginisian ni Ada si Mark.

"Parang tanga naman, Andrea."

Nawala bigla ang ngiti niya kaya napatakip ako sa bibig ko.

"Kayong dalawa, ha, bahala kayo diyan! Naghanda pa naman kami para sa anniversary niyo, 'tas ginagan'yan niyo lang ako?" Napahawak siya sa dibdib niya at umaktong nasasaktan. "Mga wala kayong kwenta, sad na tuloy ako ngayon..."

"Ang panget mo gagi." Sinamaan niya ako ng tingin.

"Pakyu, malutong." Pinakyu niya kami bago siya umalis nang kwarto namin. "Sisirain ko na lang hinanda namin para sa inyo. Mga wala kayong kwenta!" Tumawa siya na parang villain, natawa ako.

Nang hindi ko na nararamdaman si Ada sa paligid, napabuntong-hininga ako sabay ngiti. Naghanda raw sila para sa amin. Na-appreciate ko iyon, gusto ko na tuloy makita kaya agad akong humarap kay Mark.

"Love, tayo ka na diyan. May hinanda r9aw sila para sa atin."

"Sila naghanda?"

Tumango ako.

"Oo raw, sabi ni Ada."

"Ah, okay. Sige, tara na. Let's thank them."

"Oo naman, effort nila iyon. Ka-tats naman," pinanggigilan ko iyong pisngi niya saka ko siya hinalikan. "I love you," hinalikan ko siya ulit. "Happy Anniversary," hinalikan ko siya ulit. "Grabe, love... Isang taon na, isang taon na tayo." Napakayakap ako sa kaniya.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon