"Masaya ako ngayon dahil nasabi mo na, apo ko."
Nagkatinginan kami ni Alon.
Nakauwi na kami galing doon sa mala-gubat na parte ng isla. We are now sitting at their dining table, para sabihin na sana kay nanay ang nangyari kanina pero hindi ko naman akalain na alam na pala ni Nanay.
Natawa lang si Alon sa naging reaksiyon ko.
"Alam ni Nanay."
"Ako na nagpalaki diyan, lahat sinasabi niya sa akin kaya ano man ang nangyayari sa apo ko alam ko."
"Ikaw pala iyong palagi niya kinukwento sa akin noon." Napailing si Nanay, tumatawa. "Parang wala sa sarili niya 'yan kakaisip sa'yo noon. Kamuntikan pa siya matanggal sa trabaho niya kasi nagkamali siya ng serve sa isang customer dahil tulala raw."
Napatingin ako sa kaniya nang masama, kinamot niya lang ang ulo niya at ngumisi sa akin.
"Bakit mo naman ginawa 'yon?"
"Ewan ko," nagkibit-balikat siya. "Ganoon kalakas tama ko sa'yo noon."
"Hindi nakakatuwa, Alon. Dapat marunong ka bumalanse, hindi mo dapat hinahayaang makaapekto ang personal problem mo sa trabaho mo."
"Hindi na mauulit, promise." Inangat niya ang kalahati ng kaliwang kamay niya.
"Nice," hinaplos ko ang pisngi niya.
"Liligawan ko na 'to, nanay!" Proud na sabi niya.
Sarap pakinggan, siya nagsabi niyan! Sa bibig niya galing!
"Kung okay lang kay Jino." Mapangasar akong tinignan ni Nanay kaya natawa ako.
"Ayaw ko po, 'nay." Tumingin ako sa kaniya at umaktong ayaw talaga, napakagat ako sa ibabang labi ko nang mawala sa mga labi niya ang gwapo niyang ngiti. "Kidding! Of course, Alon."
"Ikaw rin first kiss niyan."
Tumaas ang kilay ko sa kaniya. I don't know that.
"Really?" I asked him.
"Oo, kaya nga hindi ko makakalimutan ang gabi na 'yon..." kumunot ang kilay niya sa'kin. "Teka, sinabi ko 'yon kanina, ha."
"Talaga?" natawa ako. "Hindi ko ata narinig, naka-focus lang kasi ako sa'yo, napakapogi mo kasi kanina." Napakagat siya sa labi niya, pinipigilan mangiti. "Sorry ha, nanakawan pala kita ng halik."
"Hindi kailangan 'yan, dahil hindi ko kailanman ikakagalit na hinalikan mo ako noon." Pinisil niya ang pisngi ko.
"Masaya ako sa inyong dalawa. Alagaan niyo ang isa't-isa, ha. Palagi lang akong nasa likod niyo para alalayan kayo."
"Salamat po," hinawakan ko ang kamay ni Nanay. "Hindi ko po pababayaan ang apo niyo. Mamahalin ko pa si Alon, kagaya ng kung paano niyo po siya minahal. Pangako, 'nay." Nagmano ako kay Nanay.
"Kaawan kayo ng Diyos. May tiwala ako sa iyo, anak." Tumingin si Nanay kay Alon. "Pati sa'yo, apo, may tiwala ako sa iyo. H'wag na h'wag kayong gagawa ng bagay na magiging dahalin ng hindi niyo pagkakaunawaan." Hinawakan din ni Nanay ang kamay ni Alon. "Mahalin niyo ang isa't-isa. Walang perpektong relasyon, ang mahalaga ay nagkakaunawaan kayo. H'wag niyo hahayaan na mawala ang komunikasyon niyo sa isa't-isa dahil iyan ang isa sa pundasyon ninyo para sa matatag at masayang ninyong pagsasama. Tiwala, pagmahahal, at walang kupas na pakikipagkomunikasyon. Tandaan niyo 'yan."
Nagkatinginan kami ni Alon at sabay na ngumiti bago kami tumingin ulit kay Nanay.
"Pangako ko, nanay. Hindi kita bibiguin."

BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
Aktuelle LiteraturHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...