CHAPTER 9

5 2 0
                                    


'Good morning, take care of yourself, see you later ily.'

Pagkagising ko ng umaga wala na si Mark sa tabi ko pero may nakita akong iniwan niyang notes sa table ko.

Napangiti ako dahil doon.

"Magpigil!"

Pagsaway ko sa sarili ko. Napailing ako saka ako pumunta sa CR para maghilamos at magmumog.

Pagkababa ko wala akong naabutang tao sa bahay. Si Yaya wala rin pero may iniwan siyang notes sa ref. Sabi ni Yaya nasa market siya ngayon, namimili, may niluto naman raw siyang almusal at iyon na lang daw ang kainin ko.

Sinunod ko si Yaya, pagkatapos ko kumain, bumalik na ako sa kwarto ko para maligo at makapag-ayos. I'm just wearing my casual attire, which is my gray polo shirt tucked in to my pair of black slacks and black oxford shoes.

Pagkarating ko sa classroom namin. Sinalubong kaagad ako ni Andrea na mataas ang energy. She is wearing a cream crop top and cream high-waisted pants, sandals with sling bags, and her hair is in a ponytail.

"Hoy, ano ganap kagabi?"

Napatingin ako sa kaniya, gulat at kinabahan. Alam na ba niya? Sinabi ba ni Mark? Wait! Hindi pa pa ako handa!

"Alin? Wala naman nangyari sa amin ni Mark kagabi."

Pagde-deny ko. Naglakad ako diretso sa upuan ko dahil kinakabahan ako kay Ada.

"Ah? Ano pinagsasabi mo?" sabi ni Andrea sa'kin habang sinusundan ako paupo.

"Mag-aaral daw tayo sa America. Sinabi ni Mommy sa akin 'yon pag-uwi ko ng bahay kahapon."

Para akong nabunutan ng tinik, akala ko 'yung tungkol sa amin ni Mark ang sinasabi niya.

"Ahh..." Natawa ako ng bahagya. "Oo sabi sa akin ni Mommy tayo nila Mark at Blare, pero shush kalang kay Blare, ah." Nilagay ko pa ang pointing finger ko sa bibig ni Ada, madaldal pa naman 'to.

"Surprise natin siya mamaya for sure matutuwa iyon."

Tinanggal ko na 'yung pointing finger ko sa bibig niya at pinunasan 'yun dahilan nang pagtingin niya ng masama sa akin.

"Tangina nito! Nag-tooth brush ako. Pero yeah!!! OMG!!! Nakaka-excite naman hahanap ako ng jowa roon foreigner."

Halos tumalon na siya dahil sa saya. Natawa ako sa kaniya.

Magsasalita sana ako nang maalala ko si Mark dahilan nang pagngiti ko. Tumingin ako sa upuan niya pero nawala kaagad ang ngiti ko nang hindi ko siya nakita roon.

Hindi siya pumasok? Ayos na rin para mas makapagpahinga pa siya.

He needs that, but I don't know. I feel that I want him right now. I want his presence. I want to see him.

Dumaan ang araw na ako, si Andrea at Blare lang ang magkasama. Tinanong ako kanina ni Blare kung bakit wala si Mark sabi naman ni Ada may sakit daw.

Just like a typical school, we did some lectures and activities throughout the whole day.

Nang uwian na. Pinasabay ko sila pauwi sa bahay dahil sabi ni Mommy iyon. Sasabihin nila ata iyong tungkol sa America.

Pagkarating namin sa bahay agad na ibinagsak ni Ada 'yong katawan niya sa sofa at uminat pa. Si Blare, dumiretso sa CR. Ihing-ihi na raw kasi siya kanina pa. Ako, tinabihan ko si Ada sa kabilang sofa.

"Bakit daw tayo pinapunta ni Tita dito?"

Nakapatong ang paa niya sa sandalan ng sofa saka niya binuksan iyong TV at komportableng nanood doon. Tumingin ako sa gawing CR para i-check kung nakalabas na ba si Blare pero hindi pa naman siya lumalabas.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon