CHAPTER 54

21 1 0
                                    


tw: mention sexual harassment, pedophilia


Warning: This chapter contains a serious and important issue that not everyone is fully aware of. It's a sensitive topic that I will discuss in this chapter. It's to raise awareness about this matter. Be mindful, open your minds.


Don't ever tolerate this kind of act!

Protect our children.



***


"Mark, please makinig ka naman sa akin. Kailangan mo gumaling!"

Nasa k'warto namin kami, kinakausap siya tungkol sa operation niya. Ayaw niya magpa-opera dahil natatakot daw siya roon. Ayaw niya sa hospital... Napahawak na lang ako sa ulo ko, ayaw niya ako harapin nakatalikod siya mula sa akin. I'm still worried about him kasi hindi nagbabago ang itsura niya kahit tatlong araw na ang lumipas simula noong na hospital siya.

"Love, you don't understand. That place... made me uncomfortable... I feel suffocated, lalo kapag ako 'yong pasyente." He is crying habang nakaharap siya sa kabilang side niya.

"Hindi mo na ba ako mahal?" I bit my lower lip to stop myself from crying. Wala na akong pamimilian, mukha man isip bata 'tong sinabi ko pero wala na akong paki.

"Mahal kit-"

"Then, magpa-opera ka! Mark, hindi biro 'yang sakit meron ka. Ikakamatay mo 'yan!" Huminga ako ng malalim. "Akala ko ba, marami pa tayong balak? Bakit ngayon... parang, nakakalimutan mo na lahat ng 'yon?"

"Pero, love-"

"Enough!"

Hindi ko siya pinatuloy magsalita dahil ipipilit lang niya ang gusto niya.

Simula nang nalaman niya ang lahat. Hindi na niya ako hinarap, gan'yan na siya, nananatili nakatagilid. Nahihirapan akong i-convince siya. Ano ba kasi kinakatakutan niya sa hospital?

Hinintay ko muna siyang pakalmahin ang sarili niya, nanatili akong nakatabi sa kaniya, sa kabilang side niya habang nakasandal sa headboard ng kama. Paano ko ba siya maco-convince? Ayaw niya rin kasi sabihin sa akin kung bakit ayaw niya sa hospital.

Nang pakiramdam ko ay kalmado na siya inunti-unti ko siyang iniharap sa'kin at pinaupo para matabihan ako. Naiyak ako pagkaharap niya sa akin. Pagod na pagod 'yong itsura niya.

"Love," niyakap ko siya.

"Mark!" I'm crying on his shoulder. "Please! Look at yourself... You, you look so weak, I'm so worried!"

Nasasaktan akong makita siyang ganito. Napaka-healthy pa niya bago ang araw ng birthday niya but look at him now. Nakakaiyak ang kalagayan niya, mahal ko!

"Hindi mo na ako mahal, dahil ganito na itsura ko?" Kumalas ako sa kaniya, nakakunot ang kilay nang harapin siya.

"Ano pinagsasabi mo? Hindi iyon ang gusto kong sabihin... Mark! Kung nakikita mo lang sarili mo, hindi ka talaga okay..." I'm still crying.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang punasan niya ang luha na nasa mata ko gamit ang kamay niya. Nanginginig pa siya habang ginagawa 'yon.

"Mahal na mahal kita, p-pero hindi ko, talaga kaya sa hospital. That... That place is, my nightmare."

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon