CHAPTER 25

54 1 0
                                        



"We're finally here!"

I can't control my amazement at seeing the house.

It's so beautiful and big.

A house that we will live in for years. A house that will witness our journey in college.

Wow!

"Gago ang laki."

Pareho kami ng iniisip ni Andrea.

"Kaya nga e, parang ayaw ko na umuwi." Natawa sila sa sinabi ko.

"Tama na 'yan kunin niyo na 'yung mga gamit niyo at pumasok na tayo sa loob. Medyo tirik ang araw ngayon."

Sinunod namin si Ate at nagkanikan'ya kaming kuha ng mga gamit namin sa van.

Nagpaunahan pa kami na kunin ang mga gamit namin at s'yempre lugi ako tatlo bagahe ko, e. Naunang pumasok si Andrea sunod si Blare 'tas kami ni Mark. Pinauna na kami ni Ate at Kuya dahil pinark pa muna nila 'yung Van sa garahe.

May gate kaya bago kami nakapasok sa mismong bahay binuksan namin iyon. Malaki rin ang gate, si Mark lang at Blare ang abot ang tuktok. Natawa pa nga kami ni Ada dahil nagmukha kaming maliit pareho.

Pagkapasok namin nilibot kaagad namin ang tingin sa buong bahay.

Two storey house siya, minimalist 'yung design.

Brown and white yung color ng house with accent of gold.

Bumungad sa amin ang malawak na sala na may dalawang sofa at malaking TV sa harap. Tanaw rin namin sa sala ang kitchen at dining table.

It's actually big outside, but inside it's more compact and minimal. That made the house more interesting. Ganito mga bahay na napapanood ko sa mga American Series.

"Sir, Jino." Napatingin ako kay Ate Maxine.

"Bakit po, Ate?"

"Ipagluluto ko po kayo for sure pagod po kayo sa b'yahe."

"No, Ate, okay lang magpapa-deliver na lang muna tayo. Alam ko rin pong pagod po kayo sa b'yahe kaya magpahinga na muna po kayo."

"Ay ganoon po ba, sir. Sige po."

Lalapitan ko na sana si Ate Maxine para tulungan doon sa mga gamit niya nang pigilan ako ni Mark.

"Love, kami na ni Blare. Magpahinga ka na." He smiled at me bago sila lumapit kay Ate Maxine at kinuha 'yung mga gamit niya.

"Thank you po mga sir."

"Welcome po, Ate Maxine."

Umalis na sila, ako naman ay naiwan dito at pinagmamasdan ang bahay.

"How's the house?"

Napatingin ako kay Kuya, sabay sila ni Ate na ibinagsak ang katawan nila sa sofa.

Nag-aalala na nga ako kay kuya kasi siya nag-drive sa amin mula New York hanggang dito, wala pa siyang tulog. Although, sabi ni Kuya sanay na sanay naman na raw siya kaya okay lang sa kaniya.

"Sobrang ganda, Kuya." Tinignan ko ulit 'yung buong bahay. I still admire the interior.

"Si Daddy at Tita Khim ang nag-suggest ng design at lawak ng bahay, para raw mas komportable kayo habang dito kayo nakatira."

Maganda taste ni Tita at Daddy, ah.

"Ano ambag nila Mommy at Daddy?" Napatingin ako kay Andrea, nakasandal siya ngayon sa sofa katabi si Ate. Natawa naman si Ate at Kuya sa kaniya.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon