CHAPTER 89

28 2 0
                                        



"Ma-mimiss ko 'tong isla."

Niyakap ko siya matapos niya sabihin 'yon. I know and I understand him. Dito siya lumaki, namulat at nabuhay buong buhay niya. Nandito rin ang alala nina Mama at Papa, kaya hindi madali sa kaniya ang naging desisyon niya.

Siniguro ko na lang na mararamdaman niyang palagi akong nakasuporta sa kaniya.

Ilang linggo na rin ang nakalipas at nandito pa rin sila. Pinaranas pa namin sa kanila kung paano kami mabuhay rito, nakita na rin nila kung paano kami sa trabaho bago kami ni Pat, Alon at ako nag-resign kay Boss Osmak. Pinasalamatan ni Mommy at Daddy si Boss Osmak dahil naikwento ko kung paano siya bilang amo namin.

Natutuwa raw sa akin ang Mommy at Daddy dahil nagawa ko ang bagay na iyon. Nakapagtrabaho ako at natuto na hindi dumedepende sa iba. That is something that they are really proud of me.

I'm so happy to hear that from them. Ang sarap marinig sa pamilya ko na proud sila sa akin dahil may na-achieve ako para sa sarili ko.

I learned a lot when I started to live here, and that is something I'll always keep in my mind. I learned from it, and it encouraged me to develop and succeed on my own. I thought before I couldn't live without the person I used to be by my side since then, but I was wrong. I can because I can.

Maybe it's always the world telling us there is angst behind glee, but it always puts you to be a better person. At the end of the day, life is always giving us a choice. No matter what it takes, it will benefit you.

Life is preparing us to be prepared, and I don't regret that. I'm always thankful in life because it allows me to choose myself, even though I didn't ask for it, but it made me grow.

"Are you sure you're ready to leave this island?" I asked him.

"Para sa'yo, kay nanay at Pat."

"Eh, ikaw? Paano ka? Dapat para rin sa'yo." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Para rin sa'kin, mahal. Buo na loob ko... Ito na rin siguro ang pagkakataon na hinihintay ko noon pa." Tumingin siya sa'kin. "Para mapagpatuloy ko na ang pangarap ko sa sarili ko at lalong-lalo na ay pangarap ko para kay nanay."

"I support you, Alon. Don't worry, five years from now. Babalik tayo rito... I promise you that, magtatayo tayo ng pamilya rito. Siguro sapat na mga tatlong anak." Nginitian namin ang isa't-isa.

Nai-imagine ko na! Ang sarap isipin.

"Lima na para mas masaya." Natawang sabi niya.

"Okay, ipon tayo para d'yan. I mean surrogacy, mahal."

"Sobrang mahal no'n pero sige pagiipunan ko 'yan."

Sinimangutan ko siya.

"Natin." Pagtama ko sa sinabi niya. "Pagiipunan natin."

Nagkibit-balikat lang siya sabay tawa nang bahagya. Natahimik din kami sandali, bago niya hinarap ulit sina Mama at Papa. Nasa cemetery kami ngayon dinalaw namin ang puntod ni Mama at Papa bago kami umalis mamaya.

"Paalam, Ma, Pa. Bisitahin ko na lang po ulit kayo sa susunod."

Sa puntod na rin ni mama at papa ako tumingin at nanahimik.

"Anak,"

We looked behind us when I heard Mom and Dad coming here with Nanay Lucita.

"Mom... Dad..." Sinalubong ko sila at inalayan si Mommy papunta rito. Si Alon naman kay Nanay.

"Ito ang puntod ng mga magulang ni Alon." Sabi ni nanay kina mommy at daddy.

Tumabi si Nanay Lucita kay Alon habang si Mommy and Daddy ay tumabi sa'kin, nakatingin sila sa puntod ni Mama at Papa.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon