CHAPTER 96

5 0 0
                                        

"Are you ready?"

Tanong ko kay Alon nang bumaba siya mula sa kwarto.

Mamaya na ang flight namin papuntang Australia. I'm kinda excited and happy, though, I have this heavy feeling that makes me think negatively. Iniisip ko na baka nag-o-overthink lang ako, lalo na't sumakto ang pag-alis namin sa finals namin. Pinili naming umalis, pero siniguro ng mga guro namin na hindi maaapektuhan ang grades namin.

"Oo naman."

Tinabihan niya ako sa sofa kung saan ako nakaupo habang kumakain ng Koko Krunch. "Kaunting gamit lang ang dadalhin ko, mahal. Isang linggo lang naman tayo roon." Sumandal siya at pumikit.

"Inaantok ka na ba?" Ibinaba ko ang bowl ko sa coffee table para mayakap ko siya. "Matulog ka na muna kaya. Kakagaling mo lang din sa Batanes. You must be tired, mahal."

Niyakap niya rin ako pabalik ngunit nanatili siyang nakapikit. "Okay pa ako. Sa eroplano na ako matutulog, sasamahan kitang hintayin sina Mom at Dad."

"Okay. Basta sabihan mo ako kung gusto mo nang matulog." Kumalas na ako sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Phone Notification

Narinig ko ang tunog ng phone ko kaya agad ko itong kinuha upang tingnan kung sino ang nag-message.

From: Blare

Ada wants to see you so badly. 

Kailan ba kayo pupunta rito?

Nag-reply ako agad.

To: Blare

Hinihintay lang namin ni Alon sina Mom at Dad. Pinauna na namin sila Ate diyan, kaya for sure, anytime nandiyan na sila.

Mabilis siyang sumagot.

From: Blare 

Actually, they just got here now. 

Kasama ko na sila Pat.

To: Blare  

Okay! Malapit na rin sina Mom at Dad. 

I'll see you later.

From: Blare

Okay, ingat kayo.

To: Blare

We will.

Saktong pagka-send ko ng message ay dumating na sina Mommy at Daddy sa bahay, kaya wala nang sinayang na oras si Alon at ako sa pag-aayos.

Ako ang unang naligo habang ginising ni Alon si Nanay Lucita para makapaghanda na rin siya. Binilisan ko ang paliligo kaya wala pang limang minuto ay bihis na ako at handa nang umalis. Ibababa ko na ang bagahe namin ni Alon sa van na maghahatid sa amin sa airport.

Makalipas ang ilang sandali, nakahanda na rin sina Mommy, Daddy, Alon, at Nanay Lucita, kaya tuluyan na kaming umalis.

Sa loob ng eroplano, napansin kong nakatulog na si Alon.

"Sleep ka na, mahal," bulong ko sa kanya.

Tinanguan lang niya ako bago siya tuluyang nakatulog. Ako naman ay napapikit na rin dahil mahaba pa ang biyahe namin.

Buong biyahe akong natulog kaya hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa airport. Pagkababa namin, sinalubong kami ng isang malaking puting van na maghahatid sa amin sa bahay nila Tito William.

Pagod kaming lahat, pero nawala ang pagod namin nang makita ang masiglang pagsalubong ng lahat sa amin.

"Jino!" tawag ni Blare habang niyayakap ako.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon