CHAPTER 27

5 1 0
                                    


"Kuya look,"

Pagkababa ko galing sa kwarto ay pinakita ko agad iyong nakita ko dahilan nang pagtigil ng kasiyahan nila.

"What the fuck?!" Nawala kaagad ang ngiti ni Kuya nang mabasa 'yong headline.

"Why, what happened?"

"Asawa raw kita, Jane. Mga anak daw natin si Jino at Andrea. It's fucking nonsensical and funny at the same time."

Nagtinginan si Ate at Andrea at sabay na tumawa.

"Potangina! Seryoso ba?" natatawa pa rin sabi ni Andrea.

"Yes," tugon ni Kuya na hindi alam kung tatawa o mag-aalala.

"That's how the media here works. I believe it is their life's mission to derail people's careers. Favorite nilang atakihin si James. Palaging laman 'yan ng news here."

Ringing

Napatingin kaming lahat kay Kuya ng tumunog ang phone niya.

"I know already, what now?" Ni-loud speaker ni Kuya ang phone niya.

[Go back here as soon as possible if you don't want to lose your career.]

Napakagat ako sa labi nang marinig 'yun.

"Yes, I will. See you there. I will book my flight right away." Tumayo na si kuya.

"Jane ikaw na bahala muna rito, ah. I will fix this." Dali-dali nang lumabas si Kuya.

"Take care, kuya."

"What happened?" napatingin ako sa likod nang magsalita roon si Mark. "Umalis muna si Kuya para ayusin 'yong issue na naman niya, ngayon it's kind of serious love."

Tinignan ko si Ate, "Ate natatakot ako."

"Shush... Don't worry, okay. Magiging okay rin si Kuya sa dami ng na-issue sa kaniya lahat 'yun nalusutan niya, ngayon pa kaya? Sanay na 'yun."

Naghintay kami sa update ni Kuya ng halos limang oras din ang lumipas bago nagparamdam ulit si kuya, tumawag si kuya kay ate.

[Jane, I need you guys here right away.]

"Bakit?"

[To clarify all of this.]

"Okay, we will book our flight right now."

[Okay, take care.]

Doon na binaba ni Kuya 'yung tawag niya.

Wala na si Eric umuwi na kanina habang naghihintay kami ng update.

Wala na kaming sinayang na oras dahil kailangan na kami ni Kuya roon.

Limang oras halos din kami bumiyahe bago kami nakarating sa New York. Pagkarating namin sa New York may sumundo sa amin na isang van, sumakay kami roon at dinala kami ng van na 'yon sa isang malaking building.

JNC Entertainment

Pinaakyat kami sa may 28th Floor ng building at doon namin nakita si Kuya na kausap ang isang medyo matanda na naka-formal attire.

"Kuya," sabi ko kaya napatingin sila sa amin.

"Ms. Thompson. This is my sister Jane, and this is my younger brother Jino, and she is Andrea, his best friend, and the boy who is wearing a cap is Blare, his best friend too, while the other guy is his boyfriend."

Pagpapakilala ni Kuya sa amin doon sa kausap niya kanina.

"Alright, we don't have time. Let's fix this nonsense issue."

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon