CHAPTER 19

3 1 0
                                    


tw: mention trauma, physical fight, death.


"Nandito na pala tayo."

Napainat ako at humikab. Nakarating na kami sa bahay. Ang haba rin ng biniyahe namin, ah, hindi ko na maramdaman 'yung pwet ko. Ngalay na ngalay.

"Yeah, take care." He kissed my forehead.

"You too. I love you. Thank you, Mark." Hinalikan ko siya bago ako bumaba. "Bye!" Kinawayan ko siya at hinintay na makaalis bago ako pumasok sa loob.

Dederetso na sana ako sa kwarto ko dahil sobrang pagod sa biyahe ng may makita akong pamilyar na mukha na nakaupo sa sala.

Si Mommy!

Nagbabasa siya ng diyaryo habang nagkakape.

"M-Mommy?!"

Nauutal pa na sabi ko, bakit naman biglaan?

"Anak!" tumayo si Mommy sa sofa at agad akong niyakap. "Saan ka ba galing, ha? Hindi ka namin ma-contact ng daddy mo. Hindi mo tuloy kami naabutan umuwi."

Kumalas na sa pagkakayakap si Mommy sa akin.

"Kasama ko si Mark, Mommy." Pagsabi ko ng totoo. "Bakit nga po pala biglaan?"

Pinaupo ako ni Mommy sa sofa, ganoon din ang ginawa ni Mommy.

"Yeah, kahapon pa kita tinatawagan pero hindi kita naco-contact. Ang sabi nga sa'kin ni Pearl, magkasama nga raw kayo ni Mark. Saan ba kayo galing, at kayong dalawa lang?"

"Opo... kaming dalawa lang." Umiwas ako ng tingin.

"Ow, ok-"

Sabay kaming napatingin ni Mommy kay Daddy nang makababa ito galing second floor at mukhang kakagising lang.

"Your son is here."

"Sa'n ka galing?" Nakatingin sa akin si Dad.

"Ahh... I'm with, Mark, po... Nasa Rizal po kami, since yesterday pa."

"What?" tumabi si Daddy kung nasa'n nakaupo si Mommy. Kinakabahan ako, ano ba 'yan! "Kayong dalawa lang?"

"Y-Yes, dad." I bit my lower lip.

"Close na kayo, huh?"

"Masama ba, dad?" Inangatan ako ni Dad ng kilay.

"Hindi naman, ang bilis lang..."

"Eh, mabait siya, dad, e." Napangiti ako. "Pogi pa..." halos bulong ko lang 'yon.

"Ano?"

"Wala, dad..."

"Narinig ko 'yon!"

"Alin, dad?"

"'Yong sinabi mo."

"Oo na, dad. Magkasama nga po kami, kahapon pa."

"Bakit?!" Ang seryoso ni Dad.

"N-Nothing, vacation." I laugh awkwardly. "Nakausap ko po roon si Tita at Tito."

"About what? Is it about our plan?"

I sighed.

Ngayon na ba? Aamin naman ako, eh, pero gusto ko kasama ko si Mark.

Kinakakabahan ako, akala ko confident na ako dahil sila Mommy and Daddy lang naman pero iba pala kapag mangyayari na, hindi ko pa siya kasama.

"Hindi po... Tungkol po sa amin... ni Mark."

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon