CHAPTER 75

4 2 0
                                        



"Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari."

Narito kami ngayon sa sala, nanahimik, matapos kami kumain. Binasag lang ni Pat iyon nang sabihin niya iyon.

Totoo lang din, kahit ako hindi pa rin makapaniwala na alam na nila ngayon ang tunay na pagkatao ko.

Hanggang ngayon wala akong ideya sa kung ano ang nararamdaman nila matapos nilang malaman kung ano o sino talaga ako. Hindi pa rin ako kinakausap ni Alon nang maayos. Si Nanay naman, kahit hindi sabihin sa akin ni nanay, nararamdaman ko ang pagkabahala niya. Normal lang naman si Pat ngunit nararamdaman ko rin ang ilang niya sa tuwing kakausapin niya ako.

Nangangamba ako na baka maging dahilan pa ang nalaman nila para hindi maging maayos ang pakikisama nila sa akin. Nahihiya tuloy ako lalo.

"P're, no hard feeling naman, ano ka ba." Tinapik ni Pat ang balikat ko nang mahina. "Nabigla lang kami, totoo 'yon."

"Maraming salamat, Pat. Nangangamba lang kasi ako, baka nag-iba na tingin niyo sa akin. Kinakabahan lang ako."

"Ha? Bakit mo naman iniisip 'yan? I mean, gano'n ba tingin mo sa amin?"

Umiling agad ako bilang tugon sa tanong ni Pat.

"Hindi naman. Pakiramdam ko lang kasi parang nagbago pakikitungo niyo sa akin matapos ang nangyari."

"Ito naman si over think. Wag ka na mag-alala, hindi kami gano'n." Nginitian niya ako. "Uy, p're. ikaw ba? Wala ka bang sasabihin? Kanina ka pa tamihik diyan." Sabi niya kay Alon.

"O-Oo, t-tama ka naman, Pat." Ngumiti lang siya nang tipid.

"P're," napatingin ulit ako kay Pat. "Kaibigan mo 'yung Andrea, 'di ba?"

Tumango agad ako bilang tugon.

"She's my best friend, pati si Blare. Iyong huling nagsalita kanina."

"Ganda niya, ah. Ano buong pangalan niya?"

"Tamo. Isusumbong kita kay Iza." Pinalo ni Alon nang mahina ang braso ni Pat.

"Corny mo! Kahit magsumbong ka hindi ako aawayin ng mahal ko." Sinuntok naman ni Pat si Alon nang malakas sa braso. "Nagandahan lang ako, e."

Napangiti ako sa kanilang dalawa habang pinagmamasdan silang nag-aaway ngayon. Naalala ko bigla sina Andrea at Blare, ganitong-ganito sila mag-away.

"Ayan, nanahimik tuloy si Jino."

Bigla akong natauhan sa sinabi ni Alon.

"No," I laugh. "I just remember my best friends."

"Nga pala, p're, curious lang ako."

"Ano 'yon, Pat?"

"Ano feeling maging mayaman?"

I raised my brows, hindi ko inasahan 'yon.

"Uhm, ewan ko. Hindi ko alam isasagot. Siguro, nothing special."

"Ayun lang?"

Curious talaga siya, kaya natawa ako nang bahagya.

"Ano ba gusto mo malaman?"

I waited her response.

"Lahat." Walang pagdadalawang-isip na sagot niya.

"Just like what I said, nothing special. I grew up with a happy family. Kahit na palaging busy si Mommy and Daddy, they're still giving us a time. Lalo noong kumpleto pa kami magkakapatid."

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon