Mark POV
"That's all, wala na akong natatandaan."
"Okay, magpahinga ka na." Niyakap ko siya lalo. "I love you." Hinalikan ko ang noo niya.
"Nagawa nila 'yon? May mga tao pa lang kayang gawin 'yon. Halos mapatay ka na nila."
"Let's not talk about it, Ada. I'm okay now."
"Shh... love. Pahinga ka na."
Tinignan ko si Andrea. I can't blame her, she's still mad about what happened. I'm mad too, but I need to be calm for him. He needs me now.
Pagkarating namin sa bahay, naabutan namin si Ate Maxine na nagwawalis sa labas ng bahay kaya nang makita niya kami, lalo si Jino napakaripas nang takbo si Ate Maxine.
"Jesus Maria Jose, ano nangyari sa'yo, Jino?" Chineck kaagad ni Ate Maxine siya.
"May nangyari lang po," sabi ko.
"Diyos ko, anak." Tinulungan kami ni Ate Maxine alalayan si Jino. "Puro pasa ka,"
"Okay lang po ako, Ate Maxine." Nginitian niya ng tipid si Ate Maxine.
"Thank you, Eric and Edric, ha." Niyakap ni Andrea ang kambal.
"Yeah, thank you, kambal." Tinanguan ako ng kambal, nakangiti.
"Thank you, kambal. Take care! Edric, take care..." sabi ni Blare.
"Salamat," ngumiti nang tipid sa kaniya si Edric.
"T-Thank you, kambal!"
"Thank you rin sa inyo. Alagaan niyo si Jino, ah. Jino please take care of yourself." Sabi ni Eric bago sila umalis at pumunta sa bahay nila.
"Ate Maxine, p'wede po bang pagawan ng makakain si Jino? Kahit soup lang po."
"Oo naman, tara na't nang makapagpahinga na si Jino."
Pagkapasok namin lahat sa bahay, inakyat ko kaagad si Jino sa k'warto namin. Pinaalahanan ko naman din kaagad sina Andrea at Blare na maglagay ng cream sa mga pasa na meron sila, kahit na naagaran sila kanina sa hospital. Bakas pa rin 'yong pasa na meron sila.
Pagkapasok namin ni Jino sa k'warto nilinisan ko siya kaagad at sinuotan nang damit.
He still can't manage to move properly kaya hanggang sa paghiga niya sa kama inaaalalayan ko siya. Bakas pa rin sa kaniya ang panghihina niya gawa ng pagkabugbog sa kaniya.
"Love,"
Natauhan ako bigla sa pagtawag niyang iyon sa akin. Kanina pa ako nakatulala sa kaniya, pinagmamasdan siya.
"Bakit?" hinaplos ko ang ulo niya.
"Dito ka lang," niyakap niya ang bewang ko.
"Oo naman, magpahinga ka na... dito lang ako." I kissed his head.
"Thank you,"
"Panget ng araw na 'to, love..." hinahaplos ko pa rin ang ulo niya. "Kung hindi titigil si Chloe at Zoe sa panggugulo sa atin, aalis na tayo rito. Mas ligtas tayo sa tunay nating tahanan."
"Totoong natakot ako... Nakakatakot kasi talaga 'yong lugar. Lahat ng mga thoughts para magpa-down sa'kin, naisip ko..."
Sinubukan niyang iaangat ang sarili niya para maabot niya ako, nakasandal kasi ako sa headboard ng kama, siya nakahiga. Pinigilan ko siya pero desidido siyang tabihan ako.

BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
Fiksi UmumHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...