This chapter contains language and scenes that may not be appropriate for very young readers.
R18
"Thank you so much for today! I really enjoyed it. Na-miss ko kayong ka-bonding."
Nasa labas na kami ng cinema nang sabihin iyon ni Jewel.
Kakatapos lang naming manood ng pelikula kasama siya. Wala naman daw siyang ibang gagawin, kaya pumasyal lang talaga siya rito bago ang flight nila bukas pabalik sa Korea.
"We had so much fun with you too. I hope this won't be the last time we get to bond."
"Oo naman, Jino. Next time, I guess, kapag bumisita ulit kami rito. Or maybe you guys could visit me there instead." Natawa siya sa sarili niyang ideya, but it actually sounded nice.
"That's great! I mean, South Korea iyon!" Masayang sabi ni Ada. Parang gusto na niyang mag-book agad ngayon.
"Yes, Andrea. Maganda roon, magugustuhan niyo." She chuckled. "By the way, I think I need to go na. Kanina pa ako kino-contact ni mommy, eh."
"Oo nga, bukas nang bukas 'yong phone mo kanina sa loob."
"True, Blare. Kahit kailan mahigpit talaga si Mommy sa'kin."
"Sige na, Jewel. Salamat sa time." Nilapitan ni Ada si Jewel at bineso ito.
"Thank you, too." Jewel responded.
Sa amin naman lumapit si Jewel at nakipagbeso rin.
"Bye! See you again soon." Kumaway na siya sa'min at gano'n din kami sa kaniya.
"Grabe, 'di nagbago si Jewel, hano? Ang ganda pa rin. Bagay na bagay s'ya sa Korea. Mukha na nga s'yang Korean."
Sumang-ayon ako kay Ada. She's really beautiful.
"She's still the same. The Math Wizard." Sabi ni Blare.
"Hindi ko nga alam ba't n'ya pinatulunan si Jino, eh."
Napatingin kaagad ako kay Ada at sinamaan siya nang tingin.
"I mean, tama si Ada."
Pinakyu ko si Blare.
"Sige pagtulungan n'yo ako... Simple lang naman ang sagot, pogi kasi ako." Nagpogi-sign ako sabay taas ng kilay nang dalawang beses.
"My pogi."
Napatingin ako kay Mark ng hawakan niya ang bewang ko sabay higit no'n palapit sa kaniya "Forever, my pogi." Dagdag niya.
"Itsura n'yo." Pareho sila natawa ni Blare. "Sa Quant-" Hindi na natuloy ni Ada ang sasabihin n'ya nang biglang tumunog ang phone niya. "Ay! Si Mommy, wait sagutin ko lang."
Tinanguan namin si Ada.
"Mom?" Bungad ni Ada. Kami naman ay nanatiling nakatayo rito, pinapanood ang mga taong dumadaan.
"Okay, pauwi na rin naman kami."
"Bye, mom," tumingin siya sa amin pagkababa niya ng phone. "Guys, my mom needs to talk to me right now. I'm not sure what it's about yet, so should we go?"
"Oo naman. Tara na, anong oras na rin." Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko.
Pinangunahan ni Blare ang pag-book ng taxi pauwi. Habang naghihintay ng binook niyang taxi, tumambay muna kami sa McDonald's.
Mayamaya lang din dumating na iyong binook na taxi ni Blare kaya hindi na rin kami nagsayang ng oras at umalis na sa kinauupuan namin. Sa tabi ng driver umupo si Blare habang kaming tatlo ay nasa likod nila, ako ang nasa gitna nila.
BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
General FictionHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...
