CHAPTER 15

8 2 0
                                        



"What the hell is wrong with you?!"

Niyakap ako ni Mark para iharang ang sarili niya roon sa babaeng sumampal sa akin.

I touched my inside cheek using my tongue to check if it hurt. Masakit, tangina!

Bumuntong-hininga ako at tinapik nang mahina si Mark sa balikat nito. Nang wala na sa harapan ko si Mark, masama kong tinignan si Maryam.

"Ano problema mo?" nagpipigil ako ng galit.

"Sino ka ba?" Lalapitan na sana siya ni Ada pero napigilan ko na siya. 

"Hayaan mo na, ako na bahala rito."

Sinenyasan ko sila na umalis na muna rito, ako lang kakausap kay Maryam.

Ayaw pa nila noong una, lalo ni Ada, pero wala na silang nagawa noong sumeryoso ako. Naiinis din ako pero gusto ko muna malaman kung bakit ako sinampal ni Maryam bago ko ilabas ang nararamdaman ko.

Nang harapin ko si Maryam, nakakrus ang mga kamay niya sa bandang dibdib niya at masama akong tinititigan.

"Bakit mo ako sinampal?"

"Kala ko ba may chance ako sa'yo? Una, aalis ka na sa school. Pangalawa, taken ka na pala at 'di mo man lang sinasabi sa akin!"

Naramdaman kong umangat ang dugo ko sa ulo ko, napasinghal ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko nga 'to kinakausap, eh!

"Seryoso ka ba diyan? Ni hindi nga kita kinakausap, eh." Pinakalma ko ang sarili ko.

"I'm your future!" Napapikit na lang ako at natawa nang sarkastiko. Seryoso ba 'to? Hindi ko kayang kumalma kapag ganito mga kausap ko.

"Mahiya ka nga sa sarili mo!"

Napailing ako at akma na sanang aalis nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

"Hindi pa ako tapos sa'yo, Jino."

Nanlaki ang mata ko nang halikan niya ako.

Potangina talaga!

Narinig ko ang hiyawan ng mga tao rito. Iyong iba nagpalakpakan pa. 

Itutulak ko na sana siya palayo sa akin ng makarinig ako nang malakas na sampal. Nakita ko na lang na nasa sahig na ng cafeteria si Maryam at mula doon nakita ko si Ada, siya ang sumampal sa kaniya.

"Maawa ka nga sa sarili mong babae ka, desperada!"

Sasampalin niya pa sana ulit si Maryam pero pinigilan na siya nina Blare at Mark.

"Ada," napasinghal si Ada. "Kalma," hinigit ni Blare si Ada palayo kay Maryam.

"Girl, stop this shit. You deserve someone who can give you the love you deserve. Hindi lang si Jino ang lalaki sa mundo! Raise yourself, girl. We're women, hindi tayo ang naghahabol sa mga lalaki."

"Tara na, Ada."

Sinama ko si Ada palabas sa cafeteria, nararamdaman ko ng nag-iinit na siya sa inis kaya hangga't maaga pa, mapigilan ko na siya. Aalis na lang kami para hindi na magkagulo.

"Ayos ka lang?" Tinignan ko si Ada at tinanguan, malayo na kami ngayon sa cafeteria.

"Oo naman. Nagulat lang ako."

"Alam kong gwapo ka... kayo, pero hindi ko naman hahayaang may manghabol na babae sa'yo. Kahit kanino sa inyo. We women aren't born to chase men!"

"Yeah, and you're right. Mare-realize din ni Maryam 'yon."

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon