"It's our last day here. Prepare all your things and pack them now. Tomorrow we will leave."
Tinanguan namin si Tita Carol, nasa kwarto namin kami ngayon nagkukwentuhan nang biglang dumating si Tita Carol para sabihin 'yon.
"Yes, mommy." Sabi ni Edric.
Nagsitayuan na sila.
"Then see you tomorrow, matulog na kayo ng maaga. Maaga rin tayo aalis bukas." Umalis na si Tita.
"Bye, guys." Kumaway kami sa kanila.
"Tara na, love. Mag-pack na tayo." Kumunot ang kilay ko sa kaniya ng hindi siya umalis sa kinauupuan niya at nakatingin lang sa akin. "Love? Mag-pack na tayo." Natawa siya habang nakatingin pa rin sa'kin.
"Yeah, of course. Let's fuck like you said."
Siningkitan ko siya ng tingin at sinampal ang pisngi niya kaya natawa siya ng malakas.
"Pack kasi hindi fuck! Tumayo ka na d'yan. Marami pa tayong liligpitin." Inunahan ko na siya tumayo, sumunod naman siya sa akin.
"Kidding, love. I just wanted to see your smile."
Huminto siya sa harapan ko, akala ko kung ano na gagawin niya, pinangiti lang pala niya ako gamit ang thumb at index finger niya.
"Bakit?" Sabi ko habang nakalagay pa rin 'yong daliri niya sa labi ko.
"Because I love seeing that in you, so keep that smile. I love you." Inalis na niya 'yong daliri niya sa labi ko pero inilagay niya naman iyon sa baba ko saka niya ako hinalikan.
"Too cheesy, love." I chuckled and hugged him.
"Tara na." I nodded.
Pinack na namin lahat ng dala namin simula nang dumating kami dito.
I'm going to miss being here, kahit sa saglit na panahon nakaranas ulit ako mabuhay sa probinsya. Na-miss ko tuloy ang rest house namin sa Samar.
Speaking of Samar, hindi pa pala nakakarating si Mark sa rest house namin doon.
"Love," I call him.
"Yes?" He raised his brows while folding his clothes.
"Remember our rest house I mentioned to you before?" He nodded. "What if doon natin ganapin iyong kasal natin? Beach wedding."
"Okay, let's take note of that. A beach wedding in Samar."
I smiled at him.
"Goodbye, Mama."
Nasa labas na kami ng yarda nila at handa na para umalis pabalik ng America. I will miss this place, sana makabalik kami rito.
Mga Tita at si Lola Consolacion lang ang nandito. Never namin nakausap mga Tito ng kambal pero kapag need naman nakakausap namin sila pero hindi ganoon katagal.
"Mag-ingat kayo sa biyahe, Ate." Lumapit si Tita Catherine at Tita Cristine kay Tita Carol saka nila ito niyakap. Sunod naman kay Tito William sila lumapit at niyakap din ito.
"Mauna na kami, paalam." Papasok na sana kami sa loob ng van nang biglang nagsalita si Lola.
"Mag-ingat kayo, apo, anak. Balik agad kayo dito, kapag hindi na kayo busy, ah."
"Promise, Mama. Babalik kami dito." She kissed her mom, napatango naman si Lola at ngumiti ng tipid.
"Sige na baka ma-late kayo sa flight niyo."
Kumaway si Tita Carol kay Lola Consulacion at ganoon din ang ginawa namin.
"Paalam, Lola." Nginitian ako ni Lola at kumaway rin sa 'min.

BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
Ficción GeneralHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...