CHAPTER 3

18 2 0
                                        



"Ikaw na naman?"

Hindi ako nakangiti, hindi katulad niya kung makangiti e, abot hanggang tainga ang ngiti.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. 

"Ikaw 'yong hambog sa banyo. I already apologized, yet you smirked at me. It annoyed me, you know? I don't know what your problem was, bro." Seryoso kong sabi.

"What? No, I'm sorry. It's... It's not like what you think."

"Eh, ano 'yong ginawa mo kanina?" Hindi nagbago expression ko. I stared at him coldly.

"Wait, I'm sorry, bro. I didn't smirk—I smiled. I was just appreciating your beauty, that's all. I think you misunderstood me." 

Kumunot ang kilay ko.

"What?" umiling ako. "Anyway, I think it's best if we don't see each other again."

Kumurap siya nang dalawang beses.

I swallowed hard and softened my gaze at him. Why do I feel guilty? Did I offend him? Should I apologize? 

Bahala na. 

"Bro, hindi,"

Mag'so-sorry na sana ako kaso bigla siyang nagsalita kaya hindi ko na tinuloy.

"I'm sorry, hindi ka ata komportable sa ginawa ko."

Nakaramdam ako ng guilt, pero ewan naiinis pa rin ako sa kaniya... nang slight.

"Whatever. Sige na umalis ka-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil dumating bigla si Ada, may hawak pa siyang chopstick.

"Jino, sino ba 'yan-" Naputol siya magsalita dahil napatingin siya roon sa lalaki. Kumunot ang kilay niya, "M-Mark?! Ikaw ba 'yan?"

Magkakilala sila?

What a strange feeling. Why does it suddenly feel nice to know that they know each other?

"Andrea?!"

Natauhan lang ako nang magsalita iyong lalaki.

"OMG! Long time no see!!! Mark, ang laki-laki mo na! Ang tangkad mo, grabe! Dati mas matangkad pa ako sayo, ha. Tangina, inaaraw-araw mo ba?" 

Nagtawanan sila pareho. 

"Funny. Hindi, ah. Puberty lang." Nag-pogi sign siya, natawa naman sa kaniya si Ada.

"Pogi mo, gago!" humarap sa akin si Ada. "Jino, magkakilala pala kayo?" 

Umiling agad ako. "Hindi, ah. Nakabangga ko lang siya kanina no'ng umihi ako 'tas kanina lang nabangga ko siya ulit." Pagpapaliwanag ko. "Tara na sa loob." Aya ko kay Ada, for sure kanina pa niya nilalantakan iyong pagkain doon may hawak ng chopsticks, eh.

"Wait lang." Don't tell me— "Mark, sama ka sa'min dali." fuck it! "Na-miss kita, kakain lang naman." 

Kumunot ang kilay ko kay Ada, inaya pa!

"Nahihiya ako, eh... Bonding n'yo 'yan magkakaibigan." Tumingin siya sa'kin at nginitian. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kaniya. 

Anong nakakangiti roon? 

"Gaga, okay lang. Dali na! Ako na bahala sa'yo."Pagpupumilit ni Ada sa lalaki. 

Napatingin ulit ako sa kanila, inakbayan ni Ada si Mark papasok na sa loob.

"Seryoso ba 'to?" Bulong ko, pinagmasdan ko na lang sila habang papasok sa loob ng restaurant.

Nasa loob na sila ni Ada nang lumingon siya sa akin, nginitian ulit ako. Tangina, huwag mo ako ngitian! Ano ba'ng nakakangiti sa nangyayari? 

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon