CHAPTER 59

3 0 0
                                    


"Tulog ka muna, love."

Nasa loob na kami ngayon ng kwarto ni Mark at Mang Berto, pareho silang natutulog ngayon dito. They need rest, after all. Ilang oras din kami nasa loob.

"Hoy! Pahinga ka na kaya,"

Napatingin ako sa kamay ko nang hatakin ako ni Ada palapit sa kaniya.

"Ang lalim na ng mga mata mo. Halatang inaatok ka." Pinaupo niya ako roon sa sofa kung saan sila nakaupo.

"Ayos lang ako,"

Napabuntong-hininga siya.

"Ang laki na ng eye bags mo. After this deserve mo magpa-derma." Pagbibiro niya kaya pareho kaming natawa.

"Sira ulo ka talaga," niyakap ko siya.

Kita sa mga mata namin na mga pagod ang lahat. Mom, Dad, and Ate Jenny also look tired. Ilang araw na rin silang hindi makatulog bago ang operation ni Mark, well lahat naman kami. We're all anxious about the result.

Nagsitayuan kaming lahat nang biglang pumasok si Tita Carol. May hawak siyang parang folder ng mga doctor iyong puti.

"Good day!" Bati ni Mommy Khim kay Tita Carol.

"P'wede ko bang makausap si Khim, Jorge, at Benigna?"

Napatayo kaming dalawa ni Ada para tulungan si Ate Benigna ihiga si Calyn doon sa sofa na katabi lang ng kama ni Mang Berto, nakatulog na si Calyn kakahintay sa operation. Naiwan sila rito kanina.

Nang maiayos na namin ang higa ni Calyn, tumayo na si Mommy at Daddy kasabay si Ate Benigna at Tita Carol umalis na sila ng k'warto, kami na lang ang natira rito. Si Ate Jenny at kaming magkakaibigan.

"Ate," napatingin sa akin si Ate, tumabi ako sa kaniya.

"Ayos ka lang?"

"Yes. I'm fine. Don't mind me. Thank you." She smiled at me. "You? They are right, you know. You look like a panda now." Pareho kami natawa ni Ate. "You should rest too."

"Yes, Ate, salamat." She taps my shoulder.

Pagkatapos ni Tita Carol makausap si Mommy at Daddy pati si Ate Benigna, pinauwi ko na silang lahat. Pagod na pagod na talaga sila, pinangako ko na babantayan ko sila rito. Pumayag sila, malapit lang naman din ang hospital sa bahay kaya p'wede ko silang tawagan kapag nagising na anytime si Mark at Mang Berto.

Nakahabol pa nga si Angelo at Adame, naabutan nilang nasa k'warto na si Mark. Ngayon araw na rin ang alis nila, kaya pumunta sila rito para bisitahin si Mark. Iyon lang dahil tulog pa si Mark, hindi alam ni Mark na aalis na sila, ayos lang naman daw kay Angelo iyon, update ko na lang daw siya kapag nagising na si Mark.

Ako na lang ang mag-isa rito, dahil sobrang tahimik. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa sofa. Okay na rin, makapagpahinga ako kahit paano.

Napainat ako nang magising at pinakiramdaman ang paligid, hindi ko pa dinidilat ang mata ko dahil nasisilaw ako sa ilaw, tumatama iyon mismo sa mga mata ko. Nang maidilat ko na kahit papaano ang mga mata ko tumingin agad ako sa orasan. It's already 11 p.m. in the evening. Magmi-midnight na pala.

Tatayo na sana ako sa sofa na hinigaan ko nang may mahagip akong pamilyar sa kabilang sofa. Nanlaki ang mata ko nang makita si Dom, nakabantay siya sa kanila.

"Dom?" Nagulat siya pagkatingin niya sa akin bago siya tumayo at tumabi sa akin.

"Did I wake you up? Am I loud?" May pagaalalang sabi niya.

"Nope, since when have you been here?"

"Around 8 PM, I saw you sleeping here. I thought they were here too."

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon