CHAPTER 18

71 1 0
                                        


"Why, daddy?"

Napatingin ako kay Mark.

I'm thinking the same thing.

So far? Ano 'yon?

"Uhm... Nevermind, ako na bahala roon." Tumayo si tito at saka niya inayos ang suot niyang blazer. "We're going home. Kayo na bahala dito, Mark. Gusto ko na rin magpahinga."

"Yeah, mauuna na kami, ha. Enjoy the rest of the day, Jino and my son."

"Bye, Mom... Dad... Ate..." 

Kinawayan nila kami bago sila tuluyang lumabas ng bahay.

"Love..." Nakangiti siyang lumapit sa akin.

"How was your conversation with Dad?"

Niyakap niya ang bewang ko at hinigit iyon palapit sa kaniya. I could feel his breath, and it felt so good. I rested my head on his shoulder and hugged him.

Napabuntong-hininga ako bago siya sinagot.

"Okay na, love. I'm happy. Okay na sa family mo, kina mommy at daddy na lang."

"Yup, sasamahan kita."

Humarap ako sa kaniya at nginitian.

"Thank you!" tumango siya, hinawakan niya ang baba ko at ngumiti.

"I love that smile—please don't let it fade." 

"Of course, kasama kita... Mahal mo ako, mahal kita... Hangga't meron tayong pagmamahal sa isa't-isa, hindi mawawala 'yan."

He kissed me, which made me smile.

"Tara?"

"Aalis tayo?" may pagtataka kong tanong sa kaniya. 

He chuckled. "Trust me."

Hinawakan niya ang kamay ko at dali-daling hinatak ako palabas ng bahay at saka niya ako pinapasok sa sasakyan. 

I don't know where we're going, but I let him take me away from their place, certain we'll be happy wherever we end up.

Pagkarating namin sa lugar, napatingin kaagad ako sa paligid habang lumalabas ng kotse. Nasa isang mapunong lugar kami, tahimik at walang tao, kaming dalawa lang ata. Wala pa akong nakikitang ibang tao.

Napatingin ako sa kaniya, nagtataka. Hindi ako pamilyar sa lugar.

Ngunit nginitian niya lang ako at nilapitan.

"Nasa Mount Purro Nature Reserve tayo." Sabi niya.

Inilibot niya rin ang tingin sa paligid.

Mayamaya sinabay niya ako sa paglakad niya at dinala ako sa isang pinto na hindi ko pa napansin dahil nakatago siya. 

Pagpasok namin sa loob ng kwarto, sumalubong sa amin ang isang king size na bed, ang intimate ng vibe ng kwarto.

"Surprise," he said, so happy. "Binook 'to ni mommy at ate kanina, utos ni dad sa kanila kaya wala sila kanina. Tayo lang nandito, love."

Napatango ako, nakangiti.

Nakakatuwa naman, inutos ni Tito iyon.

"Love, look!"

"Mark!" tawag ko sa kaniya. 

Tinawanan niya lang ako pagkatalon niya sa kama, tuwang-tuwa siya. "Makasira tayo," sabi ko pero tinawanan niya lang ulit ako. 

"Hindi, ah, tamo."

"Mark!" natawa ako nang tumayo siya sa kama at tumalon-talon doon.

"Yay!" tuwang-tuwa siya. Para siyang batang tuwang-tuwa sa bago niyang kama. 

A Diamond Between UsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon