CHAPTER 11

16 2 0
                                        


tw: physical fight, blood

Phone loud ringing

Nagising ako bigla dahil sa malakas na tunog na iyon.

Ang lakas ng ringtone ko! Muntik na ako mahulog sa kama dahil sa gulat bago ko nasagot ang kung sino man iyong tumatawag.

"He... he...hello," nilalamig kong bungad, wala kasi akong damit pang-itaas. "Blare, w-wait lang nilalamig ako. Ano ba 'yon at napatawag ka nang ganitong oras?"

Tinignan ko ang orasan, seven pa lang ng umaga!

[Bangon na. Ngayon 'yong party ng friend ko.]

Hala, oo nga! May party nga pala kaming pupuntahan ngayon.

"Anong oras ba 'yon?" nakatalukbong ang kumot ko sa buong katawan ko dahil nilalamig talaga ako. Hindi ko mapatay 'yong aircon dahil malayo sa'kin iyong remote.

Hindi ko ata napataas iyong temperature ng aircon kagabi kaya ito ako ngayon, sobrang nilalamig.

[Nine ng gabi pa naman start, pero aalis tayo ng twelve noon. Hindi natin masasabi ang traffic sa Manila ngayon.]

"Got it. Sige na, 'baba mo na."

Tumayo agad ako sa kama ko para kunin ang remote ng aircon at mapatay iyon sandali. Grabe iyong lamig, nuot na nuot sa balat ko kaya nanginginig din akong pumunta sa banyo. Pagkapasok ko sa loob binuksan ko kaagad 'yung shower at in-adjust iyon para uminit. Effective naman dahil naibsan nito ang lamig sa buong katawan.

Pagkatapos ko mag-shower ay nagbihis na ako. Parang ito na ata ang huling beses na matutulog ako nang nakahubad, ha. I'm wearing an orange shirt and black shorts.

Bumaba na rin ako dahil nauuhaw ako, pero hindi ko inaasahang makita sa sala sina Blare at Ada. Kumakain ng popcorn si Ada habang nanonood, si Blare sa tabi ni Ada nakaupo pero phone niya ang kaharap. They're both busy minding their own business.

"Nandito pala kayo."

Nabaling ang atensyon nila sa akin. Hindi na ako pumunta sa kusina para uminom dahil sa table lang sa sala ay may pitcher at baso na. Iyon ang aking ininom saka ko tinabihan si Ada at nakikain ng popcorn niya.

"Surprise!" inakbayan niya ako sabay tapik sa balikat ko. "Sana na-surprise ka."

"Hindi naman. Wala naman akong paki rin." Natawa ako sa kaniya nang sinimangutan niya ako.

"Dito na kami dumiretso ni Ada. Naabutan pa nga namin sina Tita at Tito na umalis."

Sina mommy at daddy! Ngayon nga pala alis nila, hindi na ako nakapagpaalam.

Napakamot ako sa ulo ko. "Nakalimutan ko na ngayon pala alis nila."

"Tulog na tulog ka nga raw noong naabutan ka nila kagabi."

Tinanguan ko si Blare. "Oo. Ang daming nangyari kahapon. By the way, kanina pa kayo rito, no?"

"Oo." Sagot ni Blare sa akin.

Tumayo ako para kumuha ng makakain sa kusina. Popcorn lang kasi meron sa sala, gusto ko kanin na may ulam.

"Nandito ka na pala, tumawag ka pa. E 'di, sana natulungan mo akong patayin 'yung aircon kanina. Lamig na lamig ako pagkagising."

"Tinamad ako umakyat, e." Natawa siya.

Naabutan ko si yaya sa kusina na naghahanda ng makakain namin kaya tinawag ko na sila para kumain.

Mayamaya nang matapos kaming kumain ng breakfast, nagsipagliguan naman kami. May dala silang bag at sa loob ng bag na iyon ay nandoon ang mga gamit at damit nila na susuotin para sa party mamaya. Pinauna nila ako maligo dahil alam nilang mabagal ako kumilos.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon