CHAPTER 42

46 1 0
                                    



"Wow! Gago, thank you!"

Inangat ni Ada 'yong bag na binili ko para sa kaniya, tuwang-tuwa siya. Bagay na bagay sa kaniya 'yon, mahilig siya sa mga sling bag, e.

"Nakita ko 'yan kanina pagpasok namin sa loob. Ikaw agad naalala ko sa bag."

"Salamat, Jino."

"Kay Blare, si Blare nagbayad n'yan."

Nginisian niya si Blare.

"Yie... Thank you, baby ko. Mwah!"

"Yuck!" With a disgusted expression, he said.

"Namo talaga! Pero thank you."

"Welcome!"

"Ito naman sa'yo, love." Kinuha ko 'yong isang paper bag, nandito 'yong mga damit na napili ko para sa kaniya. "Alam mo may pinaka gusto akong napili ko ro'n para sa'yo pero hindi kasya kay Blare kaya baka hindi rin kasya sa'yo, sayang nga, e."

"Okay lang, thanks for this."

"You're welcome!"

"Thank you, bro." Sabi niya kay Blare.

"Wala 'yon." Tugon naman ni Blare.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Hinintay namin kayo. Halos sabay nga lang kami ni Mark dumating kanina."

"Gano'n ba, sige tara kumain na tayo. May binili kami,"

Sabay-sabay kaming tumayo rito sa sofa kung saan kami nakaupo at pumunta sa dining table para kumain. Iniwan naman muna namin sala 'yung mga pinamili namin.

Habang kumakain kami nak'wento sa amin ni Ada kung ano ginawa nila ni Eric kanina, bakit sila umalis. Gumala lang daw sila pagkatapos nila puntahan si Tita Carol, mother ng kambal sa hospital kung saan ito nagtatrabaho.

Nang matapos kami kumain, nagsitulugan na rin kami. Anong oras na rin kami nakauwi.

"Good night, love." Bulong ko sa kaniya, nakatulog na siya.

Hinaplos ko ang buhok niya sabay halik sa noo niya, ang payapa niya matulog.

Nakadapa siya ngayon habang yakap-yakap 'yong isang pa niyang unan.

Dahil hindi pa naman ako inaantok, kinuha ko ang phone ko saka ginamit iyon para i-message ang mga block mates ko para sa gaganaping party ko bukas. I personally invited them.

Huli kong minessage ay si Dom, sinend ko sa kaniya exact address namin. Nang maabisuhan ko na sila, natulog na rin ako.

Kailangan ko maging handa bukas, may party kami!

"Happy Birthday, Jino. Thanks for inviting me and please accept this gift of mine."

Sabi ni Leigh sa akin saka niya ako bineso. Kinuha ko ang regalo niya at nagpasalamat din bago ko sila pinapasok sa loob, kasama niya ang boyfriend niya.

We set the venue here sa loob ng bahay, inayos namin ito para magmukhang party bar. We also hired bartenders, staffs, and some personnel to assist the visitor, pero hands-on din kami. Si Andrea ang abala sa mga guest habang ako ay nasa entrance para salubungin ang mga pupunta.

Parami na nang parami ang mga pumupunta, nakakatuwa. Iyong iba na in-invite ko ay may dalang kasama, okay lang naman sa akin, mas maganda 'yun dahil mas marami ang tao sa party ko.

"Hoh?!" Nagulat ako nang bigla na lang may humawak sa bewang ko.

"Happy Birthday, mahal ko." He kissed me.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon