"Naku, Ma'am at Sir, pagpasenyahan niyo na po ang bahay namin, ah. Tuloy po kayo sa aming munting tahanan."
Pinauna namin silang papasukin sa loob ng bahay saka kami sumunod tatlo nina Pat at Alon. Marami-rami kami ngayon kaya pinagtulungan na namin na ayusin ang bahay para magkasya lamang kaming lahat. Si mommy, daddy, ate, kuya at Ada ay sa sofa namin pinaupo, lalo si Ada dahil buntis ito habang kami ni Pat, Alon, Dom, at Blare ay sa upuan ng lamesa umupo.
"Kumusta naman po kayo rito, lola?" tanong ni mommy kay nanay.
"Maayos na maayos ho. Dito po sa bahay na ito ako lumaki hanggang sa magkaroon ako ng sariling pamilya, dito ko pa rin piniling manirahan."
Dahil sa sinabi ni nanay nagkatinginan si mommy at daddy.
"Wala naman po kayong dapat ikabaha, ma'am at sir. Buong puso ko pong pinapayagan ang apo ko, para naman po sa kaniya itong naging desisyon ko."
"Hindi naman po ba kayo mahihirapan? Ang tagal niyo na po pa lang narito."
"Magsisinungaling po ako sa inyo kung sasabihin kong hindi ito mahirap para sa akin, mahirap po pero kung para naman sa ikabubuti ni Jino at ng apo ko hindi po ako mangangamba o malulungkot man."
"Hinding-hindi po namin sisirain ang tiwala na hinayaan niyong ibigay sa amin, Lola Lucita. Parte na po kayo ng pamilya namin," nagkatingian muli si mommy at daddy ngunit ngayon ay bakas sa mga mata nila ang saya. "Maari po ba namin kayong tawaging mama?" dagdag ni mommy.
"Talaga po ba?" tumingin sa amin si nanay kaya nginitian namin ni Alon si nanay. "Oo naman," may hiya sa tuno ni nanay kaya natawa nang bahagya si mommy and daddy.
"Simula ngayon mama na ang itatawag namin sa'yo, Mama Lucita." Sabi ni Dad.
"Pagpalain nawa tayo ng Panginoon."
"It's been so long since we had grandma, Kuya. I'm happy to have a grandmother again." Nginitian ni ate si Nanay.
"Truly, Jane. Thank you so much for taking care of our younger brother. Thank you so much, our Lola Lucita." Ganoon din ang ginawa ni kuya, nginitian niya si nanay.
"Masaya rin ako at may mga apo't anak muli ako. Noon, kami lamang ni Alon ang magkasama ngayon ay tila lumalawak ang pamilyang meron ako."
Pagkasabi ni nanay no'n ay nagdahan-dahan na tumayo siya, tinulungan naman ni dad si nanay.
"Maraming salamat," inayos ni nanay ang tayo niya. "Hayaan niyo akong ipaghanda kayo ng makakain. Magiging masaya ang puso ko kung hahayaan niyo akong ipagluto kayong lahat bilang tanda na kayo ay tuluyan kong pinatutuloy sa aming buhay."
"It's our pleasure to taste your homemade dishes, Lola."
"Kayo talaga. Lalaki na niyan ang ulo ko dahil sa mga papuri ninyo." Natawa kaming lahat sa sinabi ni nanay. "Kung gayon, aalis na muna ako para mamili ng mga sangkap."
"'Nay, sasamahan ko po kayo."
Prisinta ko dahil ako naman din madalas mamili sa palengke.
"Maayos lang ako, anak. Iiwan ko kayo rito para may maiwan kahit papaano sa kanila."
"Kami na lang ang sasama sa'yo, ma. Tutulungan ka namin mamili." Sabi ni dad.
"Sigurado kayo, mom, dad?" tanong ko kina mommy at daddy.
"Yes, son. Sasamahan lang namin ng daddy mo si mama para mamili."
"Sige po. Mag-ingat po kayo mom, dad, nanay."
Hinatid namin ni Alon sila sa kotse na dala ni daddy. Iyon ang sinakyan nila papunta sa palengke. Nang makaalis na sila, pumasok na rin kami sa loob para samahan sila.

BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
Fiction généraleHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...