CHAPTER 46

24 1 0
                                    


"Pakibilisan po ang kilos!"

Natawa ako nang sumigaw na si Ada.

I'm still here in our closet naghahanap nang masusuot. Pinauna ko kasi si Mark kaya ako nalang ang hinihintay.

Finally, I decided what to wear. It's just a red designer t-shirt, a pair of white tokong, and sneakers.

"Love, are you done? Kanina pa sila naghihintay doon."

Napakagat ako sa ibabang labi ko at minadali na ang kilos.

"Yes, love, wait palabas na."

Lumabas na ako at nilapitan si Mark, napatayo siya na kanina pang nakaupo sa kama habang hinihintay ako. He is wearing a printed white over-sized shirt, black sports jogger pants, and a pair of black booths.

"Tara na." Napangisi ako saka ko hinawakan ang kamay niya.

"Next time, be responsible for your time, okay?" He lectured me.

"Sorry po." Nag-peace sign ako.

Pagkabukas ko nang pinto ng k'warto kamuntikan ko nang masampal si Ada ng bumungad siya sa amin na nakapamaywang, nagulat ako!

She is wearing a casual black crop top, a black and white flared skirt, and a pair of Cuban heels. Napahawak ako sa dibdib ko at napabuntong-hininga na lang.

"Gago 'to, aatakihin ako sa'yo, eh!" Reklamo ko saka kami lumabas ng kwarto.

"Kailan mo kaya mararanasan mauna sa amin?"

Nagkibit-balikat lang ako at dumiretso na sa baba para puntahan sila Blare roon, sumunod naman sila sa akin.

"Tara na guys?" Pag-aya ko sa kanila.

Naabutan kong nakasandal at naghihintay si Eric sa labas ng van, nakapamulsa sa suot niyang tokong. Nakabukas naman 'yong pinto ng van at doon nakita ko si Edric at Blare nasa loob, nagkukwentuhan.

Eric is wearing a printed brown hoodie, a white tokong, and sneakers.

Edric is wearing a simple white hoodie, a pair of black ripped jeans and sneakers.

Blare is wearing a black tank top overlaid with a denim jacket, a pair of Nike men's shorts, and sneakers.

"Yes, let's go. Makakaabot naman tayo." Sabi ni Eric, siya ang driver today papunta kila Zoe.

Pumasok na kami ni Mark sa loob, si Ada ay sa shotgun seat, nasa second row kami bandang likod na, si Blare at Edric ay nasa likod ng driver's at shotgun seat.

Naging smooth naman ang biyahe namin, medyo malayo ang bahay nila Zoe sa amin pero dahil nga smooth lang, nakarating din kami kaagad sa kanila. Tinext ko si Chloe kanina noong malapit na kami kaya siya ang sumalubong sa amin.

"Hey!" masayang salubong ni Chloe sa amin.

Nakipagbeso siya kaagad isa-isa sa amin bago siya nagsalita.

"They are waiting inside, Mommy is so excited. Come on, come inside!" excited siyang pinapasok kami sa bahay nila.

Nakakatuwa, huling punta namin dito kabado kami lahat ngayon sobrang saya namin. Nakangiti sila, ibang-iba ang atmosphere pagkatapos ng lahat. Ang sarap sa pakiramdam.

"They are here, mom."

Pagkapasok namin sa loob napa "o" kaming lahat sa ganda ng bahay, pinaghandaan talaga nila ang pagpunta namin dito.

"Cute!" I heard Edric giggle. "Look, your photo!" turo ni Edric sa picture ni Blare.

May mga picture namin na bumungad sa amin. Naka-frame 'yon 'tas nakalagay iyon sa isang table habang sa pader noon ay may nakadikit na party letter balloons.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon