Hindi ko na pinansin si Ada, kung anu-ano na naman pinagsasabi.
Pagkarating namin sa cafeteria, naroon na si Blare. Nauna pa siya sa'min, for sure pagsasabihan niya kami dahil nauna pa siya sa amin.
He is wearing a brown t-shirt, a pair of white jeans, and sneakers.
"Galing niyo 'no? Nauna pa ako sa inyo! Saan ba kayo galing, ah? At bakit ninyo kasama si... Mark right?" Nakakrus ang kamay niya sa bandang dibdib niya.
"Eh, si Andrea tinawag ni Mother Earth kanina." Sagot ko sa kaniya.
Hinawi ko iyong upuan sa tapat ni Blare, ganoon din ang ginawa ni Ada at Mark. Tumabi sa akin si Mark, si Andrea naman katabi si Blare.
"Iw! Lumayo ka nga sa'kin galing ka pala C.R.," pagtataboy ni Blare kay Andrea, si Andrea naman sinampal si Blare at pinaamoy iyong kamay niya.
"Arte nito parang 'di tumatae sa talambuhay niya." Mahina lang niya iyon sinabi dahil nasa loob kami ng cafeteria.
"So, what now?" Natigil lang sa pagtatalo nila si Blare at Ada nang magsalita si Mark. Buti naman para tumigil na 'yung dalawa. "Ano kakainin natin?" Isa-isa niya kami tinignan. "Ako na o-order. Treat ko na rin."
Ngumiti ng pagkalaki-laki si Ada.
"'Yun, oh. Lilibre tayo ni Mark!" Pagbubunyi ni Ada, natawa naman ako nang irapan niya si Blare saka niya nginitian si Mark.
"Sa akin, Mark. Chicken with rice lang 'tas coke." Si Ada, saka niya kinuha ang phone niya. May bigla kasi nag-notif doon.
"Ako siomai with rice lang tapos water." Tinanguan ni Mark si Blare.
Ako wala akong maisip kaya napagdesisyunan ko ng sumama kay Mark para makita ko kung ano pang-dish meron.
"So, wala kang maisip na kakainin?"
Pagbasag ni Mark sa katahimikan namin dalawa habang papunta kami sa pila.
"Ako pwede mong kainin."
Napaubo ako sa sinabi niya, saka siya sinamaan ng tingin. Siniko ko rin siya, tangina nakakakilibot!
"May makarinig sa'yo!" Tumingin ako sa paligid kong may nakarinig nga ba, luckily, wala naman tao masyado sa cafeteria kaya safe, if ever baka ma-issue pa ako sa kaniya. Pahamak talaga kainis! "Tigilan mo ako Mark, ah!" Tinawanan niya lang ako.
Nang makarating kami sa unahan ng pila nakita ko roon iyong ibang dish na sine-serve. Merong menudo, sinigang, kalderata at marami pang iba na pang-lunch na dishes. Pero ayaw ko lahat ng iyon, I mean favorite ko mga 'yan pero wala ako sa mood na kainin ang mga 'yan ngayon. Buti may tapsilog pa sila. Naabutan ko pa! Usually tuwing breakfast lang iyon sine-serve.
"Tapsilog nalang sa akin Mark." Tinanguan niya ako saka niya inilabas 'yung wallet niya.
Nang maka-order na siya. Lumapit kaagad ako sa kaniya at tinulungan siyang hatakin 'yung serving cart. Ang cute ng cart as in cart talaga na hinihila, mukha siyang serving cart sa mga hotel na nakakainan ko.
Nang makarating kami sa table namin kinain na namin iyong pagkain kaagad, nagkwentuhan lang din kami ng kung anu-ano and suddenly Mark become one of our circle.
Hindi na ako nag-complain. He is nice naman, at saka masyado naman ng masama ang ugali ko kung pati iyon hahadlangan ko pa. Masyado ng immature. Hindi ako iyon.
After lunch, bumalik na rin kami sa kanikaniya naming classroom. Nag start kami pahapyaw pa lang sa mga subject namin. Nakadalawang subject lang kami then uwian na.

BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
Ficción GeneralHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...