CHAPTER 14

63 3 0
                                        


"Umayos ka na."

He never disappointed me when it came to giving me butterflies; he always made me smile. This boy, I swear!

Nakapuwesto na kami at inaasikaso na ng staff ng ride. Pinaalalahanan nila kami tungkol sa mga dapat gawin bago magsimula ang ride.

This is my second time, so I already know the feeling.

Mas lalo akong na-excite!

"Ayusin mo upo mo, mababayagan ka mamaya."

Kita ko sa mukha niya na kinakabahan siya, so I lowered the vibes just to lessen his nervousness. Hinawakan ko rin ang kamay niya at ngumiti.

"Kaya natin 'to, love." I pinched his hand.

"Ayan na!!" Sigaw ko.

Excited kong binitawan ang kamay niya saka ako humawak sa nakakabit sa akin.

Mag-uumpisa na!

Mas lalo kong naramdaman ang excitement noong umaangat na kami. Kasabay ng pag-angat ng mga paa ko ay ang malakas na pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako, pero mas nangingibabaw ang saya.

Nasa tuktok na kami at kitang-kita ko na ang buong Laguna mula rito. Nilalaro ko lang ang mga paa ko dahil hindi ko pa naririnig ang "ting" sound — iyon ang hudyat. Ngunit, ilang sandali pa, narinig ko na ito kaya napasigaw ako sa tuwa.

"AHHHHHH!!!!!!!!!"

Grabe iyon! Damang-dama ko 'yong pressure ng hangin at ng ride, ang bilis lang pero sulit! Ang saya!

"Ayos ka lang?" Nakababa na kami ng Extreme Tower.

"Grabe naman 'yang rides na 'yan. Kala ko maiiwan na 'yong kaluluwa ko sa itaas. 'Yong singit ko, love, sumakit." Sabi niya habang inaayos iyong pants niya.

"I told you, mababayagan ka talaga d'yan." Natawa ako.

"Love, sa banyo na nga muna tayo."

"Sure," sinamahan ko siya sa banyo.

Pagkarating namin sa banyo, buti malapit lang iyon kung nasaan kami, dali-dali siyang pumasok sa loob ng cubicle. Ako naman ay pumunta na muna sa salamin para tignan ang sarili ko habang hinihintay siya.

"Okay na."

Nakita ko siya sa salamin, repleksyon niya, na papalapit sa akin kaya hinarap ko siya. Kakatapos ko lang din naman maghugas ng kamay.

"Ano ba nangyari sa'yo?" Tanong ko sa kaniya.

"Inayos ko lang 'yong boxer at brief ko. Naipit, eh." Mukha siyang nahiya matapos niyang sabihin 'yon.

Natawa naman ako. "Maayos na?" tumango siya. "Kawawa naman ang little Mark na 'yan, naipit." Pang-aasar ko sa kaniya.

"Love..." 

Natawa ulit ako. "Joke lang. Ano tara na?" Tinanguan niya ako. "Mas extreme 'tong next, love."

Hinawakan ko ang kamay niya sabay hatak sa kaniya papunta roon sa Space Shuttle. Hindi pa ako nakakasakay sa Space Shuttle kaya ita-try ko kasama siya.

"Are you  ready?" natawa ako sa itsura niya dahil mukha siyang nagdadalawang-isip.

"D'yan talaga tayo?" Napalunok siya habang pinagmamasdan 'yong rides.

"Kaya mo 'yan." Pagpapalakas ko sa loob niya. 

Tinanguan  naman niya ako kaya pumila na kami. Walang gaanong tao ang nakapila kaya nakasakay hindi rin kami nagtagal at nakasakay din kami agad. 

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon