"Love, wake up!"
Dumilat ako ng may maramdamang bumulong sa tainga ko. May tuwa sa boses niya na mas nagpagising sa diwa ko. Napatingin ako sa kaniya pero I can't clearly see him yet due to my blurry vision, but I know he is smiling at me.
"Ano oras na?" antok pa rin na tanong ko at tinalikuran siya saka niyakap 'yong unan na nasa gilid ko. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.
"Happy Valentine's Day, Jino."
Valentine's Day?
Ang bilis naman ng araw!
"What? Ngayon na ba 'yon?" hinarap ko siya kaya nakita ko ang pagtango niya sa tanong ko.
Hindi ko kasi sine-celebrate ang Valentine's day sa buong buhay ko unless mag-aaya sina Ada at Blare gumala ng araw na 'yon but I didn't consider it as Valentine's day. Just a usual day pa rin kaya naninibago ako. Hindi rin sine-celebrate nila Mommy at Daddy 'yon dahil may work sila palagi sa araw na 'yon, wala naman silang holiday.
"Yes, love, Valentine's day ngayon kaya tumayo ka na diyan. Tayo nalang ang nasa bahay. Si Andrea at Blare may date, kasama ang kambal. So tayo, let's celebrate it together alone. I want to go to a beach resort." Excited na sabi niya.
"Wala ba tayong pasok?" Nawala bigla ang ngiti niya sa tinanong ko.
"Walang pasok ngayon, kasi Saturday."
Napasunod ako sa kaniya ng tingin nang tumayo siya, napaupo tuloy ako sa kinahihigaan ko.
"Saan ka pupunta?"
"Parang ayaw mo naman kasi i-celebrate, e."
Napatakip ako sa bibig ko, pinipigilan na tawanan siya, bago siya hinatak paupo ulit sa tabi ko.
"Love!" Natawang sabi ko. "Hindi sa ayaw ko... Hindi lang ako sanay, first time kong i-celebrate ang Valentine's day with someone I love." I smiled at him. "Okay let's go to the beach. Double celebration na rin since tomorrow is your birthday!"
"Yeah, oo nga pala... birthday ko na bukas. Hindi ko naalala." Natawang sabi niya.
"Pa'no mo nakalimutan, eh, birthday mo 'yon, love." I chuckled.
"Ewan." Nagkibit-balikat siya.
"Well... I promise you, this will be your best and most unforgettable Valentine's Day and birthday, with me. Okay ba 'yon?" Tinanguan niya ako. Ilalapit niya sana ang mukha niya sa'kin pero napaatras ako.
"Hindi pa ako nagto-toothbrush." Inirapan niya ako. "Magto-toothbrush muna ako." Ginulo ko ang buhok niya saka ako dali-dali pumunta sa restroom para maghilamos at magsipilyo.
"I love you."
Nagulat ako nang bigla siyang lumitaw sa likod ko. Hindi ko siya napansin sa likod kahit may salamin sa banyo dahil naghihilamos ako.
"Happy Valentine's day, mahal." Naramdaman ko na lang ang kamay niya na unti-unting nang pumupulupot sa bandang tiyan ko at ang labi niya sa leeg ko.
Natawa ako dahil doon saka ako nagmadaling nagpunas nang mukha gamit ang face towel sa banyo bago siya hinarap.
"Happy Valentine's day."
Hinalikan ko siya. Alam ko na kung saan ito hahantong kaya pinagbigyan ko na siya. Gusto ko rin naman dahil matagal-tagal na rin 'yong huli.
Napakapit ako sa bandang bewang niya nang halikan niya bigla ang leeg ko, dahan-dahan pa 'yon hanggang makarating siya sa kabilang side ng leeg ko. Nanatili akong nakasandal sa sink habang siya bigay lang nang bigay.
![](https://img.wattpad.com/cover/284658068-288-k537333.jpg)
BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
General FictionHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...