"Let's canvass first."
Nandito kami ngayon sa sinasabi ni Alon na pwede ko raw pagbilhan ng mga gamit ko at pati iyong nabanggit kong bed.
"Ano ulit tawag sa lugar na 'to?" tanong ko.
"Tiangge ang tawag dito, wala ba nito sa Manila?"
Nagkibit-balikat ako.
"I don't know, Pat. Hindi ako pamilyar dito."
"Ah,"
Natutuwa ako sa kababata ni Alon kasi ang cool niya. Looking at her, she looks like a girl who you can feel intimidated by since her strong aura embodies her. Palagi siyang may panyo sa ulo, nakatali sa noo niya.
"Lon, ito pwede 'to sa inyo."
Napatingin ako sa tinuro ni Pat.
"Jino, ito ba?"
Tumingin sa akin si Alon habang tinuturo 'yong tinuro ni Pat.
"Yeah, pwede. I like it, how much ba?" Lumapit ako para makita ko nang maayos ang double deck bed.
Maganda naman siya dahil malawak, kasya siya sa kwarto ni Alon. Kulay white siya, malawak iyong nasa baba kaysa roon sa taas. Pandalawang tao iyong baba, habang ang nasa taas ay pang-isahan lang. Kung bibilhan ko iyan, si Alon sa baba ako sa taas, kasya naman ako roon.
"Php 1,459" sabi ng tindero sa amin. "Kunin niyo na, matibay 'to at mura pa. Tamo."
He made us laugh as he demonstrated how strong the bed was. Hinampas niya ang double deck bed kaya nag-create nang malakas na ingay iyon.
"Okay, kuya. I'll get this one."
"Englishero, turista ka rito?"
Umiling ako.
"Hindi po, kuya."
Tumango lang siya sa akin.
"Sige po, ayan na lang, pero balikan nalang po namin kayo, kuya. May iba pa po kaming bibilhin, eh." Sabi ni Alon kay kuya.
"Sure kayo, ah. Babalik kayo, baka makahanap kayo ng iba." Umaktong parang nasaktan si kuya.
Natawa naman kami dahil doon.
"Hindi kuya, kung gusto mo bayaran ka na namin kahit down."
Napapalakpak si kuya sa sinuggest ni Alon, tuwang-tuwa. Cute ni kuya!
"Here, kuya. Salamat po." Inabot ko kay kuya 'yung half ng prize saka ko siya nginitian.
"Balikan ka namin, ha."
Napatingin ako kay Alon nang paluin nang mahina iyong bed na tila sasagot ito, natawa ako.
"Bakit?" Narinig niya ata. He looked at me, confused.
I just chuckled.
"Nothing, tara na." Pinangunahan ko sila maglakad,
Palibot-libot lang kami sa buong tiangge ng mayamaya ay napatingin ako sa bewang ko dahil may naramdaman akong humawak doon. Kinabahan ako dahil akala ko kung ano na, pero nawala lang iyon nang makita ko si Alon sa tabi ko, nililibot ang tingin sa paligid.
"Hi," nakangiting sabi ko sa kaniya.
Napatingin naman siya sa akin.
"Wait lang," inobserbahan ko siya, may inilabas siyang panyo sa bulsa niya. Akala ko kung ano gagawin niya, pinunas lang pala niya sa noo ko. "Pawis na pawis ka na. Okay ka pa ba? Hatid na kaya kita sa bahay, kami na lang ni Pat mamimili." He looks worried.
BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
Ficción GeneralJino is his name. A guy that you can't resist. Good-looking, playful, and easy-going as fuck. He doesn't give a damn about his fine life, because the only thing that matters to him is having fun. Seriously... No, that's not in his vocabulary. What w...