CHAPTER 85

31 2 0
                                    


"Anak, maari mo ba itong ibigay kay Kumareng Jessel? Nanlambing kasi sa'kin kagabi, gusto raw niya matikman ginataang bilo-bilo ko."

Huminto na muna ako sa pagwawalis ko nang bahay at nakangiti kong kinuha kay nanay iyong paper bag na may lamang tupperware.

"Oo naman po. Mabilis lang po ako."

Tinabi ko na muna sa likod ng pinto iyong walis tambo na ginagamit ko at agad na lumabas ng bahay para puntahan si Ate Jessel. Malapit lang naman ang bahay ni Ate Jessel mula sa amin, ilang lakad lang, kayang lakarin kaya hindi na ako sumakay ng kulong-kulong.

"Ayan na ang bilo-bilo!"

Natawa ako sa energy na sinalubong ni Ate Jessel sa akin pagkarating ko sa bahay nila. Pinapasok niya na muna ako at pinaupo sa sofa nila bago niya kinuha sa akin ang inabot kong paper bag.

Nagtagal pa ako nang kaunti sa kanila dahil inalok ako ni Ate Jessel na sumabay na sa tanghalian nila, naabutan ko kasi sila na kumakain na ng tanghalian. Hindi na ako nakahindi dahil buong angkan na ni Ate Jessel ang naghaya sa akin, nakakahiya kung hihindi pa ako. Saka hindi na bago sa akin si Ate Jessel, para ko ng ina si Ate Jessel. Para naman niya kaming anak ni Alon, sobrang supportive niya sa aming dalawa.

"Saan ka na niyan? Babalik ka na ba?"

Tanong ni Ate Jessel sa akin pagkatapos ko magpahinga sandali pagkakain.

"Opo, may pasok pa po kami ni Alon mayamaya."

"Gano'n ba? Oh siya, sige na at ikaw ay mag-umpisa nang maglakad." Nginitian ako ni Ate Jessel. "Pasabi kay Lucita na sobrang sarap nang bilo-bilo niya!"

"Makakarating po, Ate Jessel!" Nagmano ako sa kaniya.

"Kaawaan ka ng Diyos."

Kinawayan ko si Ate Jessel at mga anak niya bago ako tuluyang lumabas sa bahay nila at nag-umpisang naglakad. Dahil mainit-init pa ang paligid, tirik pa ang araw, minabuti kong dumaan sa kabilang barangay. Mapapalayo nga lang ako pero okay lang dahil hindi gaano kainit sa daraanan ko roon.

Phone notification

Habang payapa akong naglalakad, naramdaman ko ang phone ko sa bulsa na nag-vibrate at tumunog kaya agad ko 'yon kinuha para tignan kung ano iyon.

"Si Alon," binasa ko agad 'yung text niya dahil mukhang seryoso.

From: Mahal

hal, wala muna raw tayong pasok ngayon hindi raw muna kasi bubuksan ni boss osmak yung bar may emergency lang daw, isang linggo rin hindi bubuksan yung bar.

Isang linggo? Mukhang emergency nga talaga.

Nireplayan ko siya.

To: Mahal

okay sige kukumustahin ko na lang mamaya si boss osmak

Itatago ko na sana iyong phone ko nang mag-reply siya agad.

From: Mahal

Nasan ka na ba? Dito na ako sa bahay, dala-dala na 'yung sugpo na gusto mo kamo kainin. Iyong pinaglilihian mo ba ahahahahaha!

To: Mahal

siraulo!

"Pasensya na, iho!"

Hindi ko na nabasa iyong ni-reply ni Alon sa huli kong text dahil may nakabangga ako.

"Sorry po-" kumunot ang kilay ko sa babaeng nakabangga ko. 

Pamilyar siya sa akin sa hindi ko mawaring dahilan.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon