"Ayos ka lang ba? Simula nang magsimula ka kahapon hindi na mapinta 'yang mukha mo."
"Oo naman, ayos na ayos lang ako."
"Sabihan mo lang kung hindi mo na kayang magtrabaho, ha."
"Kaya ko, Alon. Sige na magtrabaho na tayo."
"Table number seventeen, Jino."
Sakto at inabutan ako ni Dion ng drink para iaabot sa customer namin. Alam ko kasi na kukulitin lang ako ni Alon kung 'di pa kami maghihiwalay, nadi-distract na rin siya mag-trabaho.
Sinusubukan ko naman na kalimutan 'yung naalala ko tungkol sa nakaraan namin ni Alon kaso sa hindi ko mawaring dahilan ay hindi ko siya makalimutan. May pagkakataon pa na bigla ko na lang naririnig iyong boses niya sa utak ko. Kung pwede ko lang iuntog ang ulo ko para lang makalimutan iyon ginawa ko na.
Nagiging dahilan tuloy iyon para makaramdam ako ng hiya sa kaniya. Gusto ko mag-sorry sa nagawa ko noon dahil mali iyong ginawa ko sa kaniya kaso paano ko gagawin iyon kung ayaw ko ng balikan at pag-usapan pa ang kung ano man ang nangyari sa amin. Hindi ko pa alam kung ano magiging reaksyon niya kapag pinaalala ko sa kaniya kaya mas lalong bumibigat ang loob ko.
"Enjoy your drink, Ma'am and Sir."
Umalis na ako pagkabigay ko sa customer at bumalik ulit sa puwesto ko sa gilid habang naghihintay nang iuutos sa akin ng customer o ng bartender.
"Hey,"
Napaayos ako nang tayo ko dahil sa lalaking bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Pamilyar siya sa akin kaya tinitignan ko siya nang mabuti, iniisip kung saan ko ba siya nakita.
"It seems you already forgot me, huh?"
Napatingin ako sa balikat ko nang akbayan niya ako at dahan-dahan na sinama sa kaniya paupo sa malapit na table sa pwesto kung nasaan kami.
"Do I allow you to put your hand on my arm?"
Natawa lang siyang binitawan ako pagkaupo namin saka siya sumandal at nag-di kwatro. He stares at me playfully.
"I was the guy at the restroom yesterday."
Yesterday? Sa daming customer na nakasalamuha ko kahapon, hindi ko na naaalala na nagtagpo kami sa restroom kahapon. Pero dahil pamilyar siya sa akin, posible na sa restroom kami nagkita kahapon.
"Okay... What then n-"
"Jino," Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tawagin ako ni Alon.
"Sorry, I'm currently working. I have to go."
"Ayos ka na?" tanong niya pagkadating ko.
"Oo naman," tipid na sagot ko saka ko kinuha agad ang hawak niyang tray. "Number?" I asked him.
"Five,"
Pagkaalis ko nilibot ko ang tingin sa paligid pero hindi ko mahagilap ang table number five. Buti na lang mayamaya ay may kumaway sa akin at pagkatingin ko sa kumakaway, siya ang customer sa table number five kaya dali-dali ako pumunta roon.
"Here is your drink, sir." Ibinaba ko iyong hawak kong tray sa table nila saka ko ibinigay sa kanila iyong drinks nila. Negroni with strawberry and Moscow mule lime ang mga iyon.
I'm about to bow when the guy speaks.
"What is your name?"
"Excuse me?"
Natawa lang siya, pati iyong isang lalaki na kasama niya.
"Come on, sit down here."
Umangat ang kilay ko.
BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
General FictionJino is his name. A guy that you can't resist. Good-looking, playful, and easy-going as fuck. He doesn't give a damn about his fine life, because the only thing that matters to him is having fun. Seriously... No, that's not in his vocabulary. What w...