CHAPTER 28

61 1 0
                                        


"I think, I'll be leaving tomorrow."

Nanonood kami ngayon ng cartoon network sa sala nang sabihin ni Ate 'yun, dahilan nang pagtingin namin sa kaniya.

I feel sad because I'm not sure when I can see her again.

Still though, I'm happy because they are with us, even for a short period of time, nakasama ko ulit mga kapatid ko.

"Mami-miss ulit kita, Ate."

"I'll miss you too, Ands." They kiss each other and hug.

Matapos nang issue kay Kuya last week. He decided to stay here until Ate moved back to the England.

Sa buong linggo na 'yun ay inaayos lang namin ang mga papeles na kailangan namin sa pasukan sa August. Tapos kahapon pumunta kami sa school, physically, para kunin iyong ID at Certificate of Enrollment namin.

Siyempre ginamit din namin ang pagkakataon na iyon para gumala, saglit lang kasi namin nakuha iyong ID at COE namin kaya para hindi sayang alis namin, ginala kami ni Kuya. Para siyang tour guide namin kahapon, at sobrang saya no'n.

"I want to stay here as long as I can, but Prince Louise already told me last night to come back. The queen needs me."

"The queen or he?" her brows furrowed as I laughed, natawa din sila sa sinabi.

"H'wag kang issue, bunso." Sinamaan niya ako ng tingin.

"Kaya pala s'ya pa nagsabi sa'yo. Wala ba siyang spokesperson?" Ada emphasizes the word "spokesperson" to tease Ate. Sinamaan tuloy rin siya ng tingin ni Ate.

"Bahala kayo!" She exclaimed saka niya tinuon na lang ang sarili sa pinapanood namin, natawa tuloy ako.

"Jane... If that prince will hurt you. I swear I don't care if he is a Prince." It took me a second before I realized Kuya said that. I blinked twice.

Totoo naman, wala kaming paki kung prinsipe pa siya.

"Kuya! I swear! He never showed me even a little interest in me, although..." I raised my brows.

"Although, what?" Intrigang tanong ko.

"Wala, kaibigan ko lang 'yun. Promise! Sasabihin ko naman kung meron."

I'm not convinced.

I could feel that Ate had feelings for the prince, or otherwise, but they were still in the denial stage.

"Okay, then hatid ka na lang namin sa airport." Sabi ni kuya.

"Eh, ikaw, kuya?" he gives me a small smile.

"Bukas na rin. I'll go with Jane tomorrow. Buti na-move 'yung event, so p'wede pa ako mag-prepare until next week before I go to Paris."

"Tayo na lang talaga simula bukas." Natawa ako ng bahagya. "But really, I definitely will miss you, Ate and Kuya. Mag-iingat kayo palagi." Lumapit si Ate sa'kin, dahil katabi ko si Mark umusad muna ng kaunti si Mark para magbigay ng space kay Ate.

"Magkikita rin naman tayo ulit," niyakap ako ni ate. "Na-miss talaga kita, bunso." Niyakap ko pabalik si Ate.

"Ingat po kayo palagi, Ate at Kuya." Kumalas na si Ate sa pagkakayakap sa'kin nang sabihin ni Mark 'yon.

"Thanks, Mark. Really, it's nice to meet you. I'm happy to see you both happy together. Stay in love."

"Maraming salamat po, Ate. Don't worry about him. I'll take care of him po."

After that moment. Para maging mas masaya naman daw, sinuggest ni Ada na manood kami ng mga naging movie ni Kuya.

Noong una ayaw ni Kuya kasi nakakahiya raw, pero wala na siyang nagawa ng si Ada na ang kumilos.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon