"Galit ka ba sa akin?"
Hindi ko na napigilan itanong sa kaniya dahil simula nang umalis kami sa hotel hanggang makauwi kami, hindi niya ako iniimik. Pinapansin naman niya ako pero hindi sa kung paano niya ako kausapin noon.
"Hindi, ah. Paano mo naman nasabing galit ako sa'yo?" Hindi pa rin siya makatingin sa akin nang maayos.
Tinabihan ko siya.
Nakaupo siya ngayon sa sofa nila habang inaalog-alog nang paulit-ulit ang kanang paa niya at nakatingin sa kawalan.
"Was this because of what I told you?"
"Hindi nga," natawa siya nang kaunti.
"Ang gulo mo, ah." Sinandal ko na lang din ang likod ko at sinabayan siya sa pag-alog ng paa, mukha kasing relaxing 'yung ginagawa niya.
"Ano ginagawa mo?"
Napatingin ako sa kaniya nang tanungin niya iyon.
"Sinasabayan ka."
"Trip ka rin e, 'no?" Natawa siya ulit bago siya bumalik sa pagtingin niya sa kawalan.
"So, bakit ka nga tahimik kanina pa?"
"Nabigla lang ako sa mga sinabi mo. Bakit mo naman din kasi ginawa 'yun?"
"Gusto ko kasi makatulong, Alon. Gusto ko kayong tulungan sa mga bayarin dito sa bahay. Hindi naman kasi ako VIP dito, kailangan ko rin may maiambag."
"Naiintindihan ko naman pero kasi hindi mo ba naisip na paano kung may nangyaring masama sa'yo? Hindi namin alam na naghahanap ka na pala ng trabaho."
"Sorry na, hindi ko na uulitin."
Tumingin siya sa akin. Matagal-tagal din siyang tumitig sa akin bago siya nagsalita.
"Kailangan ito malaman ni Nanay."
Wala akong pagdadalawang isip na tumango.
"Yeah, I know."
"Kumusta ka?"
Tanong niya sa akin dahilan nang pagkurap ng mga mata ko. Hindi ko inaasahan na tatanungin niya iyon.
"Masama pa rin ang loob. Hindi ko matanggap na na-reject ako."
"Kaya ka ba nag-inom?"
"Oo," ngumiti ako nang tipid. "To forget the feeling of rejection because, in my entire life, I haven't been rejected by anyone."
"Siguro, hindi lang talaga para sa'yo 'yung trabaho na iyon... Jino, minsan sa buhay natin makakaranas at makakaranas tayo ng rejection kahit na hindi natin 'to nakasanayan pero alam mo ba sabi ni Nanay sa akin," umiling ako. "Kakambal ng rejection ang redirection. Hango 'yun sa sikat na kasabihan at ipinayo sa'kin ni nanay para kapag may rejection ako sa buhay, 'yun lang daw ang iisipin ko, na may ibang oportunidad sa lahat ng hindi pagtangap."
Bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya?
Tama naman siya, siguro hindi ko lang inaasahan ang rejection na dumating sa akin. Akala ko lahat ng bagay rito sa mundo ay tanggap ako, walang hindi pagsang-ayon at hindi pagtanggap. Nasanay kasi akong nakukuha ang lahat.
Tinamaan ako sa mga salita ni Alon.
Gumaan kahit papaano ang loob ko dahil sa mga sinabi niya.
"Salamat, Alon."
"Wala kang kasalanan, Jino." Ginulo niya ang buhok ko.
Tinitigan ko siya at gano'n din ang ginawa niya sa akin. Matagal din namin tinitigan ang isa't-isa bago niya kinalas ang tingin sa akin sabay buntong-hininga. Dama ko sa buntong-hininga niya na iyon ang bigat nang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
General FictionJino is his name. A guy that you can't resist. Good-looking, playful, and easy-going as fuck. He doesn't give a damn about his fine life, because the only thing that matters to him is having fun. Seriously... No, that's not in his vocabulary. What w...