CHAPTER 53

3 0 0
                                        


"Ano klaseng tanong 'yan? Tangina!"

Aalis na sana ako nang bigla siya napahawak sa tagiliran niya at umaray.

"Bakit?" Pati sila Ada napatayo sa inuupuan nila.

I checked his side of abdomen. Napahinto lang ako nang tumawa siya.

"Kidding." Tumawa siya ulit. "Napakaseryoso mo kasi, love."

Napapikit ako at napaluha nang marinig sa kaniya 'yon. Bakit may gana pa siyang magbiro?

"Mark! Ano ba 'yan. H'wag kang magbibiro ng ganiyan." Tinaasan ni Ada ng boses si Mark.

Tangina niya kasi, kung anu-ano na lang pumapasok sa utak.

"Bro, hindi magandang biro." Napailing si Blare.

"See? Pati sila pinag-alala mo!" I almost exclaimed.

Napahawak ako sa ulo ko. Umasakit ulo ko sa kaniya!

"Sorry, guys..." Tinaas niya 'yung isang kamay niya at nag-peace sign sa kanila.

"I'm sorry, love... Hindi na mauulit." Hinawakan niya ang kanang kamay ko at inilagay iyon sa bandang puso niya.

"Hindi ako mawawala, promise. 'Di ba nga, you always have me? Magpapakasal pa tayo."

"Ewan ko sa'yo! Puro ka kalokohan."

Tinawanan niya lang ako.

"Basta ako ang maid of honor."

Napatingin ako kay Andrea.

"Baka nga mauna pa kayo."

Nagkatinginan silang dalawa dahil sa sinabi ko.

"Babe?" She raised her eyebrows at Eric. "Kidding!" Saka niya niyakap si Eric.

"Wag kang mag-alala tungkol diyan. Alam mo namang siguradong-sigurado na ako sa'yo."

"Cheesy!" She looks like she doesn't expect that from him.

Kaya natawa ako kay Ada.

"Kami ni Blare walang balak magpakasal." Umangat ang kilay ko sa sinabi ni Edric.

"Really? Why?" tanong ko.

Natawa siya sabay tingin kay Blare, magsasalita na sana si Edric nang magsalita si Blare.

"He doesn't believe in marriage. Okay lang naman sa akin 'yon kung saan siya masaya." Napangiti ako. I guess they only want to be with each other forever, even without any ceremony.

"Marriage is just a legal union basis for couples. We love each other, we show it, and that was enough for us to be together forever, even without any ceremony... Another thing is that I and Blare prefer to give our whole selves to our future career. We will be successful together."

Wow... They have goals together.

"Nice, that is good to hear. At least you guys have goals." Tumango sila pareho. "Bagay talaga kayong dalawa. Pareho kayong may mataas na pangarap para sa sarili, at sa pamilya niyo." Nginitian ko sila ng tipid.

After hearing that from Edric, I somehow envied him for having a clear vision for his life.

Ako kasi hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa sarili ko. Yes, may mga plano na kami ni Mark para sa kinabukasan namin pero sa sarili ko, wala pa. Hindi ko talaga makita ang sarili ko. Having a partner that is fully confident about his future, our future is one of those that I can be proud of, but for myself, I don't know really.

"Okay ka lang, love?"

Natauhan ako ng maramdaman kong hinaplos niya ang ulo ko.

"Yeah, okay lang ako." I smiled at him.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon