TAGPO

8 2 0
                                    


Pablo Alon G. Domingo 


"Nanay, aalis na po ako, ah."

Pagkasuot ko ng shoulder bag sa balikat ko agad naman akong bumaba para tignan ang sarili ko sa salamin. Papasok na ako sa trabaho kaya dapat lang na maayos akong tignan bago humarap sa mga customer namin lalo na't inaasahan ako ng boss ko sa dami ng customer.

Wala namang bago ro'n at hindi rin ako nagrereklamo. Hangga't maraming nahihikayat na customer, marami ding perang dumadating. Isa akong bartender sa isa sa mga resto bar dito sa lugar namin. Ito ang hanapbuhay ko para makatulong sa nanay ko.

Matanda na nanay ko kaya mas kailangan niya ng tulong ko para sa bahay. Kaming dalawa na lang kasi magkasama, hindi ko pwedeng pabayaan ang nanay ko.

"Mag-iingat ka, apo ko."

"AHH! Nanay!"

Umaangat ako dahil sa sakit nang pingutin ni nana yang tainga ko.

"Ipangako mo sa akin na hindi ka na masasangkot sa ano mang gulo." Tinanggal na ni nanay ang pagkakapingot niya sa tainga ko.

Ang sakit!

"Opo 'nay, hindi ko lang talaga natiis 'yung lalaki kagabi. Aakyatin pa bahay natin, wala na nga tayong makain."

"Aw," napanguso akong hinahaplos ang braso ko dahil pinalo ako ni nanay roon.

"De bale nang manakawan tayo wag ka lang masasaktan. Masakit pa rin ba 'yang sugat mo sa pisngi?" hinaplos ni nana yang pisngi ko.

Napangiti ako saka ko hinawakan ang kamay ni nanay. "Malayo sa bituka, 'nay, maayos na maayos ako."

"Oh siya, baka ma-late ka pa sa trabaho mo." Ginulo ni nana yang buhok ko. "Ma-iingat ka, ah."

"Ikaw rin, mag-ingat ka rito, 'nay. Tumawag agad kayo sa akin kapag may nangyaring masama rito."

"Walang mangyayaring masama rito, apo."

"Mabuti nang nakakasiguro, 'nay."

"Sige na at ikaw ay humayo na. Galingan mo sa trabaho."

"Sigurado 'yan, 'nay." Pagmamayabang ko sabay tawa, natawa rin si nanay.

Bago ako lumabas ng bahay ay nagmano ako sa kaniya, kumaway na rin ako at tuluyan ng umalis papasok sa trabaho. Kasabay ko best friend ko na si Pat dahil pareho lang naman kami ng pinagtatrabahuan.

"P're, nahuli na raw 'yung muntik ng manloob sa inyo kagabi, ha. Gago 'yun e, naglaban pa sa mga pulis kaya ayun patong-patong na kaso niya."

Naglalakad kami nang sabihin ni Pat 'yun sa akin.

"Saan daw nahuli?"

"Sa bahay niya habang natutulog." Umiling siya, bakas sa mukha ang inis.

"Kung masamang tao nga lang ako, napatay ko na 'yung hayop na 'yun, e. Mag-isa pa naman si nanay kagabi."

Nararamdaman ko na naman ang galit ko. Hindi ko maalis sa isipan ko kung pa'no sirain ng gagong 'yun ang gate namin para makapasok lang. Buti na lang naka-uwi na kami ni Pat.

"Ang mahalaga ngayon nasa kulungan na siya. Mabubulok siya sa kulungan!"

"Salamat talaga dahil kung hindi rin sa'yo, baka nasaksak na ako ng gagong 'yun."

"Wala 'yun, sisiw lang sa'kin ang nangyari kagabi. Kayang-kaya kong balian ng buto 'yung gagong 'yun."

"Kaya idol kita, e."

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon