CHAPTER 63

36 1 0
                                        



"I'm glad I finally met your parents, Blare and Andrea."

Kakauwi lang nina Tita Charice, Tita Maricris, Tito Jake at Tito Jacob matapos nilang dumayo rito para makita at magpakilala sa kambal, Tita Carol, Tito William at sa buong angkan ng kambal.

They're so happy that they were finally legal for both sides of their parents. Wala man kami ni Mark kanina roon but still I could say they were having fun, looking at their faces now, they're so happy after all.

"Finally, na-meet ko rin sina Mama at Papa, pati si Jovel, han. Sobrang saya ko kanina!" tuwang-tuwa siyang nakayakap kay Blare.

"Sobrang saya rin nila, uno. Jovel really likes you, parang ikaw na nga 'yong kuya niya." Natawa siya.

"Likewise, I finally met Mom and Dad, babe."

"Approved agad si Daddy sa'yo unang kita pa lang. Walang nagtatagal kay Daddy kapag pinapakilala ko mga naging ex ko dati. Natatakot agad sila kay Dad, pero ikaw Jo hindi man lang sumungit sa'yo nang makita ka." Pinisil niya ang pisngi ni Eric.

"I have a good impression of both of you too, Blare and Andrea. Though I couldn't show it the way you guys deserve... I'm honestly glad that you guys are my twin partners. Please keep each other. Don't do anything that can ruin your relationship."

Napangiti ako sa sinabi ni Tito William.

"Thank you, Dad." Sabay na sabi nila kaya nagkatinginan sila dalawa at natawa.

"You guys are real best friends. You're all always in chorus. I found it cute." Natawang sabi ni Tito William.

"Sige na, pasok na muna kami sa loob, ha. Dito muna kayo, in-enjoy-in niyo na nalalabing mga araw natin dito."

"Sure po, tita."

Umalis na sila Tita at Tito at pumunta na roon sa loob ng bahay nila.

"Sana ganoon palagi si Dad... I missed him so bad."

"Don't worry, mahal. Dadating din ang panahon na maiintindihan ka rin ni Dad. Just give him a time, hindi pa naman huli ang lahat. We all just started too."

"Malapit na, Ed." Nginitian ni Eric si Edric, "Ano, guys... Let's have fun? May alam ako dito, malapit lang."

"Oo naman, ilang araw na lang tayo dito. In-enjoy-in na natin." Natawang sabi ko.

Nagsimula na kami umalis. Medyo mainit ang panahon ngayon pero malakas naman ang hangin, nililipad na nga mga damit namin. Iyong buhok ni Ada humaharang sa mukha niya kaya inis na inis siya kada hinahawi niya iyon sa mukha niya.

"Alam mo ba, Mark. Na-love at first sight ako sa lugar na 'to. Sabi ko nga, sana balang araw magkaroon ako ng ganitong kalaking lupain." Ngumiti ako sa kaniya. "Gusto ko ng ganito, ikakasal na tayo e. For sure, susuportahan tayo nila Mom at Dad."

Nabanggit na namin ni Mark sa magulang namin ang nangyari, at dahil doon napapunta kaagad sila rito at saka kami kinausap. Noong nakaraang linggo wala kami rito dahil kasama namin magulang namin. Sa rest house ng Cross Family kami sa Rizal nag-stay at doon kinausap.

Umiyak ang mommy namin, ang mga daddy naman namin tuwang-tuwa. Kasama sa naging usapan namin doon ang plano kung kailan gaganapin, at kung saan. Hindi nga nagdalawang-isip si Dad Jorge na i-suggest na ikasal na kami as soon as possible, parang hinihintay niya talaga na kumilos si Mark at mag-propose sa akin. Sinuggest kasi ni dad ay pagkatapos agad namin mag-second year ang kasal namin kaya sa buong bakasyon namin next year, uuwi kami rito at ihahanda lahat ng dapat ihanda para sa araw ng kasal namin.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon